CHAPTER 31

37 5 0
                                    


Chapter 31
Jaycee's pov

And BOOM.... as in boom, nakakabigla yung nasa papel damn. Grabe naman ata yung mag-isip ng ipapagawa

'pumunta kayo ng kasama mo sa marriage booth at magpakasal kayo

Ps. Dapat may saksi
Fine: php500'

The hell men

Napakamot ako sa ulo, syempre wala nang lamam yung bulsa ko kase nasa bag ko yung pera ko. I choose dare.

"Dare!" nakangiting sabi ko

Sinamahan kami ng isa sa mga 2nd year na naka incharge sa  Dare or Pay booth.

Nagulat sa Felix kase hindi niya alam na ganito ang mangyayari.

Pinagsuot siya ng isang coat na itim, ako naman nilagyan ng flower crown at binigyan ng isang bouquet ng bulaklak, tsaka itinulak para lumakad sa isang red carpet.

Gagiks muka namang totoo

May nagsuot sin ng puting tela para mag mukang pari. Nagkatinginan kami ni Felix at nginitian niya ako.

Habang naglalakad ako papalapit sakanya, parang may iba akong nararamdamam. My heart beats so fast na parang nakikipagkarerahan.

DugDug...DugDug...DugDug....DugDug

Hanggang sa umabot na kami sa palitan ng linya. Bakit ganon bawat tingin niya kakaiba. Para akong nalulusaw. Hindi ko din maexplain yung feelings ko na parang may kumikiliti.

"I, Jaycee Montefalcon, take you Felix Takatzuchi to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer and for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, from this day forward until death do us part" mahabang linya na sabi ko habang hawak ko yung kamay niya.

Bakit ganon habang binibigkas ko yun mula sa bibig ko hindi ko maiwasang tumingin saknya. Alam kong magkaibigan kami pero parang higit pa itong nararamdaman ko.

Am I I-inlove? Ganito ba yung feeling?

"I, Felix Takatzuchi, take you Jaycee Johan Grace Montefalcon to be my Wife" bakit habang binibigkas niya yung mga yun feel ko yung sincerity niya...I can see it in his eyes "to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer and for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, from this day forward until death do us part"

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko daig panito ang karerahan ng kabayo sa sobrang bilis.

"you may now kiss the bride" sabi nung nagpapanggap na pari

Biglang hinawakan ni Felix ang panga ko tsaka ka niya unti-unting inilalapit ang muka niya, hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng bigla siyang magsalita

"Misis ko" sabi niya habang naka ngiti ng pang malakasan tsaka kumindat.

Parang tanga

"misis ka jan sapak gusto mo?"
Tsaka ko siya inambahan ng sapak, kaso tinawanan lng niya ako.

"kiss na ehh nakakabitin naman!"

"kiss!"

Sigaw ng mga kunwaring saksi kahit peke naman tong kasal nato.

Habang papalapit ang muka niya sakin bigla nalang akong napaatras dahilan para mawalan ako ng balanse.
Pero may biglang nalang may humawak sa bewang ko para saluhin ako.

Halos dalawang inches nalang ang pagitan ng muka namin. Hanggamg sa inilapit niya ang muka niya sakin tsaka ako hinalikan sa.......

Lance's pov

Hay jusme kung hindi ko lng sila kaibigan hindi ko sila bibilhan ng pagkain ehh... Naka pila ako ngayon sa food stall na tinayo ng mga lower grade.

Hmmm madami namang choices kaya sulit... Kaso may isang dilag na umagaw ng atensyon ko.

Damn kelan ba niya ako sasagutin ang tagal ko ng nanliligaw sakanya....

Wag naman sanang mafriend zone

"Mika dito!" tawag ko sakanya

Mejo kinakabahan ako tuwing palapit na siya, bumibilis din yung tibok ng puso ko na parang nakukuryente.

"Lance baka magalit sila pagpinasingit moko" nag-aalalang sabi niya

"sisiw" sabi ko sakanya "SUBUKAN NIYONG MAGALIT DAHIL PINASINGIT KO SI MIKA MAGTATAMPO AKO SAINYO AT ITATAKWIL KO KAYO SA FB PAGE KO!!!!" sigaw ko habang naka tungtong sa isang stool.

Tumingin ko kay mika tsaka ngumiti, pero hinampas lang niya ako. Pero I think this time kailangan ko na siyang mapa oo

"bumaba kanga jan nakakahiya" sita niya sakin

"maslalo akong hindi baba pag hindi mo pa ako sinagot!"

"lance nakakahiya"

Walang hiya-hiya sa taong nagmamahal. Huminga ako ng malalim bago ko isigaw ang sasabihin ko. Napabilang din ako ng mga 20 para magipon ng lakas ng loob

"Mikyla Anderson! Will you be my Girlfriend?" taas noo kong sigaw habang pilit niya akong pinapababa

"bumaba ka jan"

"hindi ako bababa hanggat hindi moko sinasagot!"

Please say yes....please

"Lance" panimula niya

Dinig na dinig ko ang sigaw ng ibang tao na naka pila mula sa food stall, na ngayon ay nakapalibot saamin na parang may shooting

"yes nayan!"

"fafa lance ako nalang!"

"pumayag kana!"

Kinakabahan ako sa pwede nyang maging sagot, parang nag times 3 ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba

"lance sa katunayan matagal ko ng gustong sabihin to sayo" sabi niya...ayan na!!!!

Takte may pa suspense pa mas lalo tuloy ako kinakabahan, feeling ko hindi na normal yung heart rate ko dahil sa bilis

Pa! Pacheck ng vital signs ko!

"p-pumapayag nako maging girlfriend mo Lance Dizon!" pasigaw niyang sabi

Natulala ako at hindi nakakilos sa sagot niya....

Lord nananaginip ba ako...pasamapal naman oh

"lance? Huy" alog sakin ni mika

Pero mukang mas nagulat siya sa ginawa ko sakanya. Binuhat ko siya ng parang bride tsaka umikot habang nagsisisigaw sa tuwa

"sa wakas girlfriend na kita Mikyla Anderson... Sa susunod Dizon nadin apilyedo mo!"

Nahampas niya ako sa balikat tsaka ko siya ibinaba. Sabay kaming pumila na parang walang nangyari. Ganon din ang ginawa nung iba balik kaagad sa dati.

Pagkatapos naming bumili naglakad lakad muna kami para magkaroon kami ng conversation kaso iba ang nakita namin.

Si Felix a-at Jaycee nasa Marriage Booth....wait d-did he kiss J-jaycee!!!?

Napatakbo ako, si mika naman iniwan ko muna sa isang bench. Agad akong nakarating sa room kung saan kami nakatambay.

"mga paps!" hingal na sambulat ko

"ano bayun?" sabay sabay nilang tanong pati si Alex at Jade ganon din ang sabi.

"si felix a-at jaycee n-nasa" nauutal kong sabi

"nasaan" sabi ni Clark

"nasa marraige booth nagpapakasal!"

Maybe SomedayWhere stories live. Discover now