CHAPTER 5

79 8 0
                                    


Chapter 5
Jaycee's pov

Pagbukas ko ng pinto hindi ang board ang nakita ko kundi si kuya. Huminga ako ng malalim bago ako lumapit sa kina uupuan niya

"now what do you need?" walang emosyon kong tanong

"gusto lang kitang kausapin" sagot niya sakin

"ok...so start it" bored kong sagot

"bakit ba ganyan ka...napaka tigas mo" inis na sabi ni kuya

"I told you already...ganito nako at wala ng magbabago dun"

"sabihin mo simula ba nung nawala si kuya" madiin nyang sabi "kaya ka nagkakaganyan!?"

"wag na wag mong idadamay si kuya dito" inis na sagot ko

"kaya nga namatay si kuya diba dahil sayo..." aniya niya habang naka tingin sakin "hindi ba tama ako"

Dahil sa galit ko lumapit ako sakanya at hinawakan sa kwelyo

"hindi mo alam ang nangyari...wala ka dun" galit kong sabi "kaya wag kang umasta na parang alam mo ang lahat"

At binitawan ko ang kwelyo niya, tumalikod ako sakanya at lumakad

" kahit ilang beses kang maghugas kamay dahil sa nangyari ikaw parin ang may kasalanan" bored na sabi niya

"oo nga ehh kahit ilang beses kong ipaliwanag saakin parin ang sisi"
Sagot ko "kaya wala nagbago dun"

Lumabas ako sa kwartong iyon na punong puno ng sama ng loob. Pumatak ang luha ko ng hindi namamalayan kaya tumakbo ako at nakarating sa parking lot.
Hindi mawala sa utak ko ang sinabi ni kuya

Ikaw ang may kasalanan

Napaka tigas mo

Kahit ilang beses ka maghugas kamay dahil sa nangyari ikaw parin ang may kasalanan

Dahil sa galit ko sinuntok ko ng sinuntok ang salamin ng kotse ni kuya, kailangan kong ibuhos ang galit ko....kailangan, patuloy ako sa pagsuntok kahit masakit pero parang dahil sa galit wala na akong maramdaman...manhid na manhid na ang damdamin ko. Nabasag ang bintana ng sasakyan, nagkalat ang bubog na may halong dugo mula sa kamao ko.

Lumakad ako papunta sa classroom na tumutulo ang dugo mula sa kamay ko. Pagdating ko sa pinto ng classroom sinipa ko iyon ng malakas para bumukas...wala akong pake sa ginagawa nila basta ang alam ko gusto kong maglabas ng sama ng loob

Alam kong nakatingin sila sakin ng may biglang magsalita

"hala anong nagyari" tanong ng niya sakin

"hala dalhin natin siya sa clinic" dagdag pa niya

Mas lanong nadagdagan ang galit ko...hinawakan ko siya sa kwelyo

"wag kang mangingi alam...wala kang alam dito" galit na sabi ko

Itinulak ko siya ng malakas dahila para bumagsak siya ng malakas sa sahig. Hindi ko din mapigilang sipain yung upuan malapit sa kanya. I remove my vest and necktie and throw it away....gusto kong umalis

Umalis ako at nag abang na taxi alam kong nakatingin si kuya driver sakim pero wala akong pake

"maam saan po kayo?" tanong ni kuyang driver

Sinabi ko yung lugar balak kong puntahan

Gusto ko siyang kausapin....gustong gusto ko sobra

Maybe SomedayWhere stories live. Discover now