11

83 70 2
                                    

KABANATA 11
-ⁿᵒʳᵐᵃˡ ᵖᵒᵛ-
ᵃᵈᵛⁱᶜᵉ

"May pupuntahan ako mamaya, dito kalang dahil hindi kita pwedeng isama" salita ng binata na kinatango niya naman. Nagwawalis kasi siya ng sumulpot ito.

Ilang minuto ang lumipas ay nakatayo parin ito sa gilid ng sofa habang nakakunot ang noo na tinitingnan ang galaw ng dalaga. Noong isang araw pa ito hindi namamansin sa kanya kaya medyo nainip siya sa katahimikan ng dalaga.

Tumaas naman ang kilay ni Samantha ng magmura ito kasabay ng naiinip na tanong

"Fuck! Hindi mo ba ako titingnan eli kahit ilang sigundo man lang o kaya sulyap?" may halong galit na tanong ni Ashton sa kanya.

"Ano bang nangyayari saiyo ha? Dalawang linggo mo na akong hindi pinapansin eli. Hindi iyon nakakatuwa" ngayon ay napakalamig ng boses ng binata at diin na diin ang pagkakabigkas ng mga salita nito.

Totoo ang sinasabi ng binata. Dalawang linggo na siyang hindi gaanong kinakausap ng dalaga. Maraming bumagabag na tanong sa kanyang isipan at gusto niyang si Samantha, ang dalaga ang sumagot nito.

Huminto ang dalaga sa pagwawalis at hinarap siya. Kahit siya rin ay nahihirapan sa sitwasyon nila ngayon. Sinubukan niya namang layo-layuan ang binata pero hindi niya parin kaya, lalo na't palagi itong nangungulit at magagalit sa kanya sa hindi pagpansin nito.

"Wala, gusto kolang" aniya ng dalaga.

"Gusto mo lang? Tanginang sagot yan Azriella" nagagalit na sabi ng binata pagkatapos ay iniwan siya.

Napaupo nalang si Samantha, ang dalaga at nakonsensiya. Ginagawa niya lang naman ito para sa ikakabuti. Ayaw niyang mas lumala ng subra ang nararamdaman niya para sa binata lalo na't isat-kalahating buwan nalang ang pagkakataon niyang makasama at maalagaan ang binata ng malapitan.

Alam na niyang galit ito dahil sa pagtawag nito sakanya ng Azriella.

Nalala nanaman niya ang pinag-usapan nila ni Luigi noong isang linggo.

Napabuntong hininga ang dalaga tsaka nakinig sa sinasabi ng kaibigan niyang bakla.

“alam mo girl, may isat-kalahating buwan pa oh! May pagkakataon kapang gawin ang gusto mong gawin. Pero payong kaibigan lang baby Sam ha, bawal ma fall ng subra. Trabaho ang pagpapanatili mo sa mga Morgan hindi ang umibig. Masasaktan kalang, alam mo namang subrang yaman nila girl, one of the richest family in Asia. Richest! Pero hindi lang sa Asia. Mapapaluha ka talaga sa yaman nila. Hindi nga tayo nakaka one-fourth sa yaman nila girl. Mga limang porsiyento lang hehe.” tumango lang siya sa mga pinagsasasabi ng kaibigan habang ang isip niya ay nandon parin sa nangyari noong isang linggo

Bagay naman kayo baby sam pero alam mo iyong hindi kayo bagay?.......yung magkaiba kayo ng katayuan sa mundo. Payang hindi bagay yung mayaman at mahirap, mas bagay yung parang equal diba? May kasabihan kasi sila na kapag mahirap ang mapapangasawa sa mayaman ay ito ang magdadala nito pababa o para malugi. At kong mayaman naman ang mapapangasawa sa mahirap ito naman ang magdadala nito pataas—OMG! Totoo ba iyon?! Magiging mayaman tayo pag mayaman ang mapapangasawa girl. I reto kaya kita kay Mathew yung gwapo tapos mayaman! Huhuhu ang gwapo talaga ni Mathew.”napailing iling nalang siya sa sinasabi ng kaibigan niyang si Luigi.

Napapasang-ayon siya sa sinabi ng kaibigan. Equal dapat, para mas bagay? Hindi ba pwede kong anong isinasang-ayon ng puso? Kong ano ang gusto nito?

Friendship FallenWhere stories live. Discover now