25

38 21 5
                                    

KABANATA 24
three years after

_

Nakatingin sa mga nagtataasan na mga gusali at hindi makapaniwala sa mga nangyari.

Tatlong taon na ang lumipas ng mangyari ang hindi ko inaasan na pangyayari.

I was comatose for almost one year.

Nabalitaan ko nalang na wala na si Airian. Hindi ako makapaniwala. Akala ko sa tatlong bala ng baril na tumama sa kanya ay pwede pa siyang mabuhay. Pero yung akala ko lang na daplis ay tumama sa kanyang puso na naging dahilan upang bawian siya ng buhay.

Siya ang puntirya, nagkataon lang na nasa malayo lamang na wala siyang kasama na body guards. Hindi ko alam kung ano ang dahilan dahil ngayon ay hininto na daw ang pag-iimbistiga. Maaring may nagawa daw si Airian na mali o baka daw dahil sa pamilya o negosyo nila.

Hindi ko alam kong paano ako nabuhay. Akala ko katapusan ko na iyun. Malaking pasalamat ko sa panginoon dahil binigyan niya pa ako ng isang pagkakataon na mabuhay sa mundong ito. Namaitama ang mga mali kong nagawa at maipagpatuloy at makamit ang mga pangarap ko sa buhay.

Nalaman din ni mama na may sakit ako. Ang pamilya ni Jaehyun ang tumulong saamin.

Paggising ko palang marami na akong dapat malaman.

Kaya palagi akong tinatawag na kapatid ni Jaehyun dahil iyun ang totoo. Magkaparehas kami ng ama. Pero magkaiba ng ina. Kaya pala magkalapit ang aming unang pangalan. Azriel at Azriella.

Pero hanggang ngayon hindi ko parin tanggap ang aking ama. Isang dekada niya kami iniwan. Hinayaang magdusa habang siya ay nagpakasarap sa buhay.

Yun ang nakaraan na dapat ko nang kalimutan upang makapagsimula na ng bago, sa hinaharap.

Nakatira kami ngayon dito sa bahay nila sa Los Angeles.

Balita ko kay Luigi ikinasal na daw si Sabrina.

Si Luigi naman, may stable na na trabaho. Ang sabi ko magpakalalaki na siya pero mas gusto niyang manatiling bakla.

Nadalaw din ako ni Luigi noong nakaraang buwan kasama si Jaehyun dahil nagkataon na may reunion ang magkaibigan kaya isinama narin siya papunta dito.

I've heard that Ashton is one of the most succesful business man. Hindi lang siya kundi silang limang mag kakaibigan.

Masaya ako para sa kanya. Hindi na kami nagkita pero palagi ko parin siyang naririnig at nakikita sa telebisyon.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko dahil sa tuwing nakikita ko siya sa mga magazine na may kasamang babae mapait lamang akong mapangiti. Narinig ko rin na may rumoured girlfriend na siya.

Good for him. Maganda ang babae, they are both in business field kaya sigurado kung sila ang magkakatuluyan ay magkakasundo sila.

"Mag umagahan ka na anak." sabi ni mama. Ako ay tumingin at tumango sa kanya.

Nagpunta ako hapag kainan upang makakain na. Habang kumakain ay tiningnan ko mama kasabay nito ang paglabas ni papa habang nag-aayos ng kanyang necktie.

"Mauna na ako. Iyung napag-usapan natin mahal, pakisabi nalang sa anak natin." sabi ni papa kasabay nito ang paghalik kay mama at tumingin sakin.

"Oo mahal."

Napagbuntong hininga ako at tumayo.

Papa kiss me at my cheek. "Ingat po." i said. Ngumiti siya at lumabas na.

I continue eating when mama said something.

"Kagabi anak ay nag-usap kami ng papa mo. May business trip sila sa Pilipinas para sa kanilang negosyo. Napag-isipan ng papa mo na dalhin tayo dun. Dahil baka naman gusto mo, diba? Hindi sa pinipilit kita anak, baka naman gusto mong bumalik sa Pilipinas. Nakausap ko narin ang doktor kahapon kung pwede ka na bang ilabas. At ang sabi niya naman, oo. Pero yung kagustuhan mong magtrabaho ay hindi muna pwede anak."

" Ma, uuwi ako ng Pilipinas kasama niyo. Payagan niyo naman akong magtrabaho. Hindi dahil sa ama ko siya ay uupo nalang ako dito. May pera si papa pero hindi naman pwedeng palagi nalang akong aasa sa kanya. Pinaghirapan niya din iyon. Alam kong alam mo ma. Naranasan na natin iyun nuon. Kaya naman baka ito na iyung panahon para kumilos naman ako para sa sarili ko. Pangalawang pagkakataon ko na ito ma kaya hindi ko sasayangin iyung mga oras at araw ng walang ginagawa."

"Alam ko anak. Kung iyan talaga ang gusto ko, susuportahan kita, namin."

Lumipas ang ilang oras, hapon at naging gabi na.

While reading a magazine Luigi suddenly call me. Sinagot ko ito.

"Bakit?" I asked after greeting good evening.

Luigi:"Nabalitaan mo naba?"

"Ang alin?"

Luigi:"Jusko Sam kapapasok lang na balita, feshr na fresh pa. Official na  sila Daisy at Ashton. Nako dai! Naloloka ako."

Mapait akong napangiti. Mabuti.

"Sigurado ka?"

Luigi:"Anong sigurado!? Oonga! Kalat na kalat na sa internet! Hindi lang sa internet dahil pati sa tv news na balita nadin sila! Aba naman itong si Ashton, kakamatay lang ng kanyang fiance may girlfriend nanaman!"

"Ganon talaga. Playboy eh."

Luigi:"Kung ako sayo Samantha maghanap ka na diyan ng dobyo. Yung mas gwapo kay Ashton, yung hindi playboy."

"Iwan."

Luigi:"Iwan ka ng iwan, hindi mo kasi subukan maganda ka naman hindi impossible na walang magkakagusto sayo."

Tanghali na ng makatulog ako kagabi kapanonood ng mga drama.

Papa already booked ticket for us. Alam narin ni Jaehyun.

Sa susunod na araw ang alis namin kaya simula ngayon ay nag-iimpake na ako.

Today ia Tuesday, our flight will be on Thursday. Nagsimula naring mag-impake si mama.

Hapon na pero hindi ko parin matapos ang pag-iimpake. Kanina paggising at pagkatapos kong kumain ay naglinis ako sa kwarto ko. Tinupi ko muna ng maayos ang mga damit ko para naman maayos kong mailagay sa maleta.

Evening comes when we didn't expect a visitor. Its tito Samuel, ka business ni papa. With his son, Axiel.

We have dinner together and after  conversation Axiel asked for my number.

"Can I have your number?" he asked me ng pauwi na sila.

"Yes, sure."

I registered my number on his phone as they go after.
Nag-usap din kami kanina about his lifestyle. He is a chef as what he said.
May kapatid din daw siya. And he own a restaurant. Hindi lang isa kundi marami. He's restaurant is famous, at alam ko iyun dahil minsan narin kami kumain duon ni Jaehyun pag pumupunta siya dito. Madaming brance kaya siguro mas naging sikat iyun.

Kumaway si Axiel paglabas nila kaya kinawayan ko rin siya.
Pag-alis, kinurot ako ni mama sa tagiliran.

"Ano yun?"

"Alin?"

"Yung ngiti at kaway?"

"I'am being friendly mama."

"Is giving your number to him considered being friendly? Para namang may something ah." pa said. Not again.....

Nagtawanan sila mama. Umiling nalang ako.

Friendship FallenWhere stories live. Discover now