14

70 67 1
                                    

KABANATA 14
ᶠⁱᵃⁿᶜᵉ

"Anak!" salubong ni mama pagkababa palang namin ni Luigi sa taxi. Nagyakapan kami bago na kapag desisyun na.pumasok na sa bahay.

"Ma, pasalubong ko uli!" masigla kong sabi sakanya sabay bigay ng isang kahon na naglalaman ng cake.

Excited iyong binuksan ni mama at napatulo ang luha niya sa nakalagay na sulat sa cake.

' Happy 43th Birthday mama! '

"Happy birthday ma!" bati ko sa kanya, pati si Luigi bumati narin kay mama.

Masaya ako na nakaabot si mama ng limampu't dalawa. Ang hiling ko lang ay sana bigyan pa siya ng panginoon ng mahabang buhay, malusog na pangangatawan, ilayo sa kahit ano mang sakit at higit sa lahat ang maging masaya.

"Ano sayo ma?" tanong ko habang tinitingnan ang menu.

"Kahit ano nalang anak iyong hindi kamahalan. Bakit mo pa kasi ako dinala dito sa mamahaling restaurant."

"Ma, birthday mo po ngayon kaya dapat masaya ka, tayo. Kahit ngayon lang ma, kalimutan mo iyong mga gastusin natin. Akong bahala. Ako paba!"

"Oo nga naman tita, birthday mo kaya ngayon tsaka damaming ipon na yata iyang si Sam sam eh. Ang laki kaya ng sahod niya noong isang buwan. Malapit narin matapos ang buwan na ito, kaya magkakapera na ulit kayo." ngiti ngiti si Luigi habang sinasabi iyon. Malagkit pa niyang tiningnan ang waiter na nag serve ng pagkain na inorder ko.

"Kahit na anak. Alam kong may pinag-iiponan ka, lalo na iyong pag second year college mo."

"Hay nako tita, anak mo po subrang talino. Scholar parin yan sa second year. Lalo na at subrang close niya sa nagbigay ng scholar sa kanya." sinamaan ko ng tingin si Luigi.

Kong makasalita parang kilala talaga iyong nagbigay ng free scholarship saamin eh, kahit ako hindi ko talaga kilala kong sino. Pero hanggang ngayon si ate Hera parin talaga iyong naisip kong nagbigay saamin ni Luigi ng scholarship, pero ayaw ko naman umasang siya iyon. Pero posible rin, kasi yung pumunta saamin noon ay may binigay na sulat galing daw sa nagbigay ng scholarship saamin. At nakalagay duon 'H.S.V.'

At iyon sinabi ni mama na nag-ipon ako, totoo iyon. Para sa pag pag-aaral, gamot at para sa kinabukasan ko.

Binilhan ko si mama ng kahit na anong gusto niya na hindi lalagpas sa sampong libong badget ko para dito sa simpleng kaarawan niya. Minsan lang ako magkapera kaya ok lang. Bumili din kami ng groceries para sa bahay at binilhan ko rin si Luigi ng gusto niya gaya ng lipstick, makeup at perfume. Medyo hindi kamahalan iyon, pero ok na rin.

Ng mag alas kwatro na ay napagdesisyunan na naming umuwi sa bahay. Nagluto ako ng adobo, kaldereta, kare-kare at pansit bihon. Sabi kasi nila iyong pansit bihon daw ay nakakahaba ng buhay. Hindi ko ngalang alam kong totoo. Hindi man espesiyal ang kaarawan ni mama ngayon pero masaya rin naman.

Nag mag alas singko ay dumating sila tito at tita. Magulang ni Luigi at si Jaehyun na may dala pa talagang regalo para kay nanay at cake.

Naging masaya ang hapunan namin pagsapit ng gabi. Napuno ng tawanan at kwentuhan. May dinalang mamahaling wine si Jaehyun. Sila lang ang uminom nuon kasi hindi ako umiinom ng mga ganoon. At bawal din iyong mga alak dahil maaapektuhan ang sakit ko sa puso. Walang ibang nakakaalam nito kundi ang sarili ko lang. Noong isang buwan nag pa check-up ako sa doctor kasi sa madalas na panikip at pagsakit ng dibdib malapit sa puso ko. May sakit ako sa puso ang sabi ng doctor. Umiyak ako noon ng umiyak pero alam kong limitado ang pag-iyak ko dahil sa sakit ko. Masakit ilihim pero kaylangan para walang mag-alala. Ayaw kong mag-alala si mama kasi baka highbloodin siya, ayaw ko ng ganon. May mga mamahaling gamot ang nerisita ng doctor. Mahal ang mga gamot pero kaylangan bilhin para hindi lumala ang sakit ko. At para narin mawala itong sakit sa puso.

Friendship FallenWhere stories live. Discover now