21

55 39 1
                                    

KABANATA 21
visit

Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa ng ilang minuto. Sasabihin ko ba? Ipapaalam ko ba sa kaniya ang sakit ko? Could he keep it too as a secret? Napailing ako. Dapat nga ay itago at hindi ko ipapaalam o ipagsasabi ang sekreto ko, dahil sigurado akong hindi mapipigilan ni Ashton o na kahit kanino man na nakakaalam at makakaalam na ipagkalat ito sa kahit kanino.

Tumayo ako at tiningnan ang ilang maliliit at medyo may kalakihang mga paru-paro na lumilipad sa itaas ng mga nagkagagandahang bulaklak. Napangiti ako ng may naisip.

"Ano kayang makiramdam kung isa kang paru-paro? Malaya silang nakakalipad at nakakagawa ng kanilang gusto, walang iniindang sakit."

"Hindi lahat ng paru-paro ay malaya Azriella. Yung iba ay kinukulong dahil sa hindi malamang dahilan. Gustong pagkakitaan, patayin, paglaruan,o---" dahil sa ayaw kung mas lumaki ang aming pag-uusap ay sinagot ko siya sa kaniyang tanong kanina.

"Wala akong sakit. At mas lalong hindi ko sasabihin sa iyo o kung kahit na sino kung meron man." ani ko bago siya tinalikuran. I heard him say something but i didn't turn in his way again. Mas mabuti nang lumayo kaysa sa marinig pa ang kaniyang mga sasabihin at katanungan.

Sa mga sumunod na araw ay patuloy ko parin siyang pinagsisilbihan. Nagtaka ako ng marinig ang doorbell. Wala naman yata siyang bisita diba?

Binuksan ko iyun at bumungad saakin ang isang bakla at dalawang babae sa likod ni ma'am Airian.

"P-pasok po kayo."

Nakita ko ang pag-irap ni ma'am Airian saakin. Pinagbaliwala ko nalang tutal kunting tiis na lamang matatapos narin ang kontrata ko bilang tahapagsilbi ni Ashton.
Isang linggo na lamang at tapos na.

"Where's manang Neda?"

"Bumalik napo siya kahapon sa mansion ng Morgan, ma'am."

Tumango siya.

"Make some snacks, Samantha."

"Yes ma'am." yumuko ako at nagtungo sa kusina. Hindi ko namalayan habang nilalagyan ng palaman ang sandwich ang pagsunod nung isa sa dalawang babaeng kasama ni ma'am Airian.

"Hi! So you are Samantha right?"

"Ako nga."

"I am Crizilda by the way." i nod.

"Can i help?"

"Nako miss wag napo." Hindi siya nakinig sa aking sinabi at talagang tumulong siya.

"Are you invited to Airian's wedding next month?" natigilan ako? What? Next month?

"A-ah miss hindi."

"Ayy sayang, i can make a gown for you too. Ang ganda mo."

"S-salamat pero wag na. Wala akong alam diyan at hindi rin ako pwedeng umattend duon. Nagtatrabaho ako miss."

"Oo, sayang nga. Pero di bale baka ma extend pa ang kasal nila. May day-off ka naman kahit papano diba?"

"Oo"

Nagkwentuhan kami ng ilang sandali bago siya tumulong saakin ilagay sa sala ang meryenda. Na kwento niya rin na isa siyang fashion designer at kaibigan ni ma'am Airian.

I spend my last week by cleaning and arranging things in it's proper place. Malungkot akong napangiti habang pinasadahan ng tingin ang kabuohan ng bahay sa ika pitong araw at ang kinahuliang araw ko dito. Walang Ashton ang nagpakita sa aking sa linggong iyun kaya mas nalungkot ako.

Ibinigay ni tita Ashey ng cash ang suweldo ko ng bumisita siya sa bahay ni Ashton.

Nagdaan ang isa, dalawa, tatlong linggo hanggang sa naging isang buwan ay hindi ko man lang naramdaman at nakita ang kaniyang presensiya.

Naging mas malinaw saakin ang pangyayari. Kahit gaano mo kagusto ang isang tao, kung ayaw ka nito, hindi ito mag aaksaya ng panahon upang dalawin, pasayahin, alagaan, at hanapin ka.

Napatawa ako sa kawalan.

"Mamamalengke ako ngayon anak. Bantayan mo ang bahay. Bibili lamang ako duon ng isda ang gulay."

Tumango ako.

"Samantha,"

"Opo mama."

Naglinis lamang ako ng bahay ng walang ibang magawa. Dumaan ang ilang oras ay nakauwi na si mama. Habang nagluluto para sa tanghalian namin mamaya ay may kumatok sa pinto ng aming bahay.

Hindi ko lang iyun pinansin total nandon naman si mama sa sala."Oh ijo! Napabisita ka? Pasok, pasok!"

"Magandang umaga po tita."

Napahinto ako.

"Magandang umaga din ijo. Ang tagal mo nang hindi nakabisita dito ah."

"Busy lang po sa trabaho tita."

"Ang sipag mo ijo, nararapat lamang iyan para sa kinabukasan mo at ng magiging asawa't anak mo."

"Oonga---"

'Ay oh siya nga pala, Samantha! Ihinto mo muna iyang ginagawa mo at harapin ang bisita natin. Nandito si Ashton anak!"

"Opo mama!" nagmamadali kung hinugasan ng maayos ang aking mga kamay at lumabas ng kusina. Nagkatinginan kami ni Ashton ng ilang sandali.

"Goodmorning."

"M-magandang umaga din." bati ko. Napabaling ako orasan kung anong oras na. Alas diyes palamang ng umaga.

"Napabisita ka ijo."

"Magpapaalam lang po sana ako upang hiramin ng ilang oras si Azriella tita."

Namilog ang aking mga mata. Nagulat ako.

"Ahh ako?! M-may gagawin pa ako, h-hindi ako a-available ngayon." magkanda utal utal kong palusot sa kaniya.

Binalingan ako ni mama. "Papayag ako ijo pero sa isang kondisyon... Ihatid mo ang anak ko pauwi dito na walang kahit na anong galos, gasgas, at ng ligtas."

"Yes--"

"Ma naman! M-may lakad pa kami ni Luigi mamaya, t-tapos may pupuntahan po a-ako."

"Sige na't magbihis kana duon. Ako nang bahala dito."

ok........ 


Friendship FallenWhere stories live. Discover now