12

81 68 3
                                    

KABANATA 12
ᵃⁱʳᵖᵒʳᵗ

Gumagawa ako ng takdang aralin sa kwarto ng may kumatok. Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"What are you doing?"

"Ahh gumagawa ng takdang aralin. Bakit?"

"Mom called, may susunduin tayo sa airport."

"Sino?" tanong ko.

"Airian Mae Lionel"aniya bago umalis.

Airian Mae Lionel? Sa pagkakatanda ko, anak siya ni Mr. Rafael Lionel at Mrs. Amaryllis Lionel. Ika-apat na pinakamalakas na gang sa Pilipinas, at ika-tatlo sa pinakamalakas sa Asia. Anak ng isang mayamang pamilya ang sususnduin namin?

W-wow!

Tinapos ko muna ang takdang aralin ko sa isang paksa bago niligpit at nilagay sa bag.

Mahigit sampong minuto ako bago nakapili ng isususot. Mayaman iyon, kaya dapat maganda rin ang suot ko. Pero sa kamalas malasan ay wala akong nakitang magandang isuot.

Nagsuot nalang ako ng white oversize shirt na naka tuck-in sa high-waisted maroon pants na kakabili kolang, at   tsaka Nike shoes. I just fixed my hair into a messy bun bago kumuha ng dalawang daan at nilagay sa bulsa. Baka gutumin ako, mabuti na iyong may baong pera. Hindi pa naman ako nagtanghalian. 11:05 pa naman eh.

Kinuha ko rin ang keypad kong cellphone at nilagay sa bulsa, baka tatawag si Luigi, sabado pa naman ngayon. Kada sabado tatawag talaga siya dahil excited siyang sumundo sa akin dito sa bahay ni Abo. Dito siya natutulog kada sabado ng gabi, para daw sabay kaming umuwi ng linggo at dahil daw kasi libre ang mga pagkain dito. Yung  kaibigang iyon, porket nagmamagandang luob ang tao sa kanya ay niluboslubosan talaga niya kasi nga 'minsan lang may libre, kaya lubos lubosin ko na' aniya pa.

Malalim akong bumuntong hininga bago lumabas at bumaba. Wala nang Ashton ang naabutan pagbaba ko. Kaya dumiritso nalang ako palabas ng bahay at tiningnan ang isang — na nakaparada sa harapan.

"Daig mo pa ang pagong kong magbihis, tsk!" naiinip niyang sabi ng ibaba niya ang bintana ng kotse. Umirap ako sa kawalan.

"Sorry napo senyorito Ashton" paumanhin ko, hindi ko alam kong may halong pang-aasar ba iyon dahil tinaasan niya ako ng kilay pagkapasok ko sa front seat. Attitude ka boy?!

Habang nasa byahe hindi ko maiwasang mailang dahil sa katahimikan sa loob ng kotse. Mas gusto ko iyong nagyayabangan kami. Pero iyong katahimikang iyon ay nawala ng magsalita siya.

"Are you hungry?"tanong niya

"Hindi. Busog pa ako." sagot ko na kinatango niya. Nang maiparada na niya ang kotse sa paradahan ay una siyang lumabas na sinundan ko. Ilang minuto kaming nanghintay ng mag ring ang cellphone niya.

"Yes mom. No problem, yes im with el. Bye mom, love you more." rinig kong sabi niya kay mama— ay este! Kay tita pala. Tangina, kong anong pinagtuturo sa akin ni Luigi, yan tuloy muntik ng masabi ang katagang 'mama'. Pero ok lang naman iyon ah! Syempre dapat level up na.

Halos lumuwa ang mata ko ng makita ko kong sino ang naglalakad patungo sa diriksiyon......ni abo. Swerte niya gwapo ang susundo sa kanya. Pero mas swerte ako, kaibigan ko iyan eh.

Friendship FallenWhere stories live. Discover now