15

67 65 3
                                    

KABANATA 15
ʳᵉˢᵖᵉᶜᵗ

Malalim akong bumuntong hininga bago pinunasan ang mga luha ko.

Nagbihis ako at inayos ang aking sarili bago bumaba.

Nilibot ko ang paningin sa buong bahay. Wala akong narinig na kahit anong ingay.

Ang tahimik naman.

Dahil wala naman akong magawa sa bahay dahil nilinis ko naman ito bago ang day off ko ay napag-isipan ko nalang na mag bake ng cupcakes. Malapit ng maubos ang mga ingredients kaya yun nalang ang gagawin ko, ang mag bake ng cupcakes.

Kumakanta pa ako habang ginagawa iyon nang makarinig ako ng tawa galing kay maam Airian.

"Wow naman! Your happy now huh? Kanina lang umiyak ka." may panunudyo sa boses niya.

Nawala ng parang bula ang saya na nararamdaman ko dahil sa biglaang pagsulpot niya.

"By the way, where's Ashton pala?" imbis na sagutin siya sa kanyang tanong ay binalewala ko iyon. Kahit ako mismo ay hindi alam ang sagot sa tanong niya.

Nilagay ko lahat ng sangkap sa isang malaking bowl at pinaghalo ito.

"You know what, your just a maid but why do you touch those things without the permission from the owner?" hindi ako sumagot. I look at her and i could see her raising a brow. Dahil sa pagtaas niya ng kilay saakin ay kitang kita ko ang pagkairita sa kanyang mukha.

"Are you a deaf poor maid?"

Tiningan ko siya sa hindi maipintang mukha ko. " Matalino kanaman diba maam Airian? So why are you asking me that im a deaf? Dahil ba hindi kita sinasagot sa mga tanong mo ay pwede mo na akong tawaging isang bingi? At maam! Walang katulong na mayaman. Kaya nga nagtatrabaho bilang isang katulong ang isang tao dahil nangangailangan siya ng pera. Sa totoo lang maam, ang pagiging isang katulong ay isa sa marangal na trabaho. Kaya kung gusto mong mang insulto ay wag saakin na isang katulong dahil punong puno na ako sa mga pang iinsulto. Baka kong hindi ko mapigilan, isang iglap lang......... nakahandusay kana." sabi ko. Kahit sa anong anggulo tingnan, hindi ako nagbibiro sa mga sinasabi ko. Tayong mga katulong ay bawal insultuhin dahil nagtatrabaho tayo ng maayos. Pwera lang sa mga hindi.

"W-well then" kita ko ang takot sa kanyang mukha bago nag walk-out.

Ang galing ko talaga, napa alis ko ang babaeng iyon.

Nagpatuloy ako sa aking ginagawa habang gumigiling ulit ng may tumikhim gamit ang baritonong boses.

"El"

Napahinto ako sa paghalo ng sangkap dahil sa pagtawag niya sa pangalang alam kong siya lang ang tumatawag sakin ng ganun.

Narinig ko ang paghakbang niya papunta sa kinatatayuan ko.

"Face me please" malumanay pero malamig ang pagkakabigkas niya.

Palihim akong nagtaas ng kilay bago tumikhim.

"M-may ginagawa pa po ako sir" pormal kong sabi. Sumulyap ako ng panandalian sa kanya at nagtama ang mata naming dalawa. Bahagyan pang nakakunot ang kanyang kilay.

"Po? What's wrong el?"

"Wala lang. Naalala ko lang ang nasa contrata."

"What about the contract?"

"Wala nga! Hindi ba pwedeng mag po? Boss kita, kaya dapat lang na galangin ka " hindi ko napigilan ang magtaas ng boses. Damn! This is wrong. Ikaw panga ang nagsabi samantha, na dapat galangin ang amo pero heto ka, sinigawan mo pa talaga.

"Did i put in the contract about you respecting me? Did i?"

Kumalma ako bago siya sinagot. " M-meron"

"Really?"parang hindi makapaniwalang tanong niya.

Agaran akong tumatango tango. Alam kong wala, pero boss ko siya. Pasalamat nga at ginalang ko siya.

"What number then?"

"A-ahmm, ewan ko nga! Bakit mo ba pinapalaki ang usapan dahil lang sa po? Ano gusto mong itawag ko sayo? Lolo? Boss? Señorito? Ano?!"

Agad sumama ang tingin niya sakin. Aba! Wala naman akong sinabing masama ah.

"Do i really look old for you to call me grandfather? I'm just 21."

"Alah siya! Sinabi ko bang lolo ka? Tinanong lang naman kita kong anong gusto mong itawag ko para hindi ako po ng po sayo---"

"Abo. Always call me abo. I'm fine with that, by the way"  and with that, he walk-out.

Ngumiti ako sa kawalan. Sa tagal ng panahon ngayon niya pa talaga naisipang sabihin saaking gusto niya ang pagtawag ko sa kanyang abo.

Dahil sa saya ko ay natapos ko ang pagluluto ng cupcakes na may ngiti sa labi.

------------

A/N: Sa lahat na bumabasa sa storyang ito, sorry for slow update po.

(2 updates) in a month po ako mag uupdate. Pero i'll try po to update even just sunday in a week.

Friendship FallenOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz