CHAPTER 2

39.4K 1.1K 142
                                    


Chapter 2

Dareen Pov

Pagkarating ko sa isang pribadong beach resort kung saan ginanap ang birthday party ng pinsan ni Clemence ay bumaba ako pagkatapos kong ibigay ang pamasahe ko. Mabuti at matalino at laging handa akong tao dahil hindi pala pupwpede ang pumasok dito ng walang invitation. Syempre dinala ko na ang invitation na binigay ni Clemence sa akin noong isang araw pa.

Nang makapasok ako ay agad kong hinanap ang mabuti kong kaibigan. Marami rin kasing tao ang resort kahit na gabi na. Siguro dahil may party? O sadyang dinadayo lang talaga ang resort na ito. Nang makita ko si Clemence na may kalandiang lalaki ay agad ko siyang kinalabit kahit na imiindak siya kasama iyong lalaki na hindi ko alam kung sinong lalaki ba ito. Hindi naman kagwapuhan. Hindi naman ganun kaganda ang katawan. Tssk!

"Bruha ka! Pumunta ka nga!" manghang saad sa akin ni Clemence paglingon niya sa akin. Iyong ibang tao ay napapatingin sa akin dahil ako ay naka-jeans, louis vuitton shirt at pinatungon ko pa ng denim jacket and of course ang pangmakalakasan kong ankle boots na fendi. Wala akong paki sa mga cheap na tumitingin sa akin.

"Oo pumunta ako dahil sa sinabi mo!" Nagsisigawan kami dahil na rin sa malakas na sounds. Noong hindi pa ako nakarating dito ay nangangati akong pumunta pero ngayong nandito na ako parang gusto ko na ring umuwi.

"Dahil kay Geoffrey lang?"

"Malamang sa malamang Clemente!"

Binulungan ni Clemence iyong lalaking kasayaw niya saka ako hinila palayo doon sa maraming tao at may malakas na sounds. Dinala niya ako sa medyo tahimik at walang gaanong tao.

"Ano na Clemence nasaan na si Geoffrey? Bakit hindi ko siya nakita doon?" Inis kong wika nang tumigil kami.

Binitawan niya ang kamay ko. "Dareen, promise me one thing."

My beautiful and almost perfect shaped-eyebrow puckered.

I groaned. "What the hell, Clemence! What's with the promise-promise thing?" maarte kong saad.

"Baks basta promise ka muna." Pamimilit niya kaya pilit lang din ang pag-sang ayon ko.

I sighed before nodding my head twice.

"Okay, basta promise muna na wala kang gagawin sa lahat ng malalaman mo ngayon, okay," saad niya na para bang nakahinga siya ng mabuti dahil sa pagtango ko. "So, kagaya nga ng sinabi ko sayo sa telepono kanina. I saw your unfamous boyfriend..." I raised my eyebrow. "And... I saw him with Eurika."

Upon the name Eurika makes my blood pressure raise up. That bitch Eurika is my boyfriend's friend and that bitch! Inaway ako n'yan dahil sa akin daw napunta ang kaibigan niya WHOM is gusto niya rin. I know from the very beginning na magkaibigan sila even Geoffrey assured me na magkaibigan lang talaga sila at naniwala ako doon. Even if I hated Eurika, I still respected her as my boyfriend's friend.

"They're friends." walang emosyon kong saad kahit na nagtitimpi na ako dito. Nagtitimpi ako sa galit dahil una, sabi ng nobyo kong magaling ay matutulog na siya pero nandidito pala siya tapos idagdag pa na kasama niya ang kaibigan niya dito na siyang pinakaayaw kong tao sa balat ng lupa!

"May kaibigan bang naglalap-lapan sa isa't isa?"

That's it! Naubos na ako. Naubos na ako! If only Clemence can see me clearly, I know makikita niya ang pamumula ko ngayon sa galit.

"Where are they?"

"P-pumasok sila sa isang c-cabin."

I scratch my neck. What I heard earlier was too much pero dinagdagan pa talaga nito!

[MUS2] Taming In The Wild|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon