CHAPTER 9

31.2K 1K 135
                                    

Dedicated to: DomKangsprinter
____________________

Chapter 9



Dareen Pov

"Explain what the hell happened in my fucking kitchen Dareen Aizen." Sa tono ng pananalita ni Rap parang gusto ko pa ang Rap na laging galit sa mundo kaysa sa Rap na mahinahon pero ang boses naman ay nakakamamatay. Kagaya ngayon!

Napahilamos siya sa palad niya. At tumingin ulit sa akin. Nandidito kami ngayon sa living area. Dito niya ako kinaladkad matapos niyang apulain ang apoy doon sa kitchen. Literal talaga na kinaladkad niya ako. Akala ko nga ay mapuputol na itong flawless at maganda kong braso. Bumakat pa sa skin ko ang kamay niya.

Niluwagan niya ang suot niyang botton down shirt. Nagtitimpi ang Rap ninyo. Heavenly father please help me. Dasal ko.

"Answer." Maikli niyang utos sa akin.

Talagang lumipad na ang utak ko sa ibang dimension. Lumapit ako kay Rap at lumuhod sa harapan niya upang bigyan siya ng blow job. Charot lang! Lumuhod ako sa harapan niya at pinagsiklop ko ang dalawang kamay ko. I'm praying to this god in front of me. Just kidding again.

Lumuhod ako para magmakaawa sa kanya. Wala sa nabanggit sa itaas ang ginawa ko ngayon.

"Please, please, please, Rap. Wag mo akong paalisin dito. Please, Rap huwag." Pagmamaka-awa ko sa kanya.

"Fuck! Stand the fucking up!" Rap yelled.

"No." Pagmamatigas ko.

"You will stand or I will kick you out for real!" Sigaw niya sa akin. Mabilis naman akong tumayo. Baka totohanin niya, e.

"I asked you what's happened to my kitchen. I didn't asked you to kneel and beg to me." Aniya sa mababang boses. Sheemzz! Bakit ang hot ng dating nitong si Rap? Kahit na boses niya lang kung may matres ako malamang nakailang anak na kami. Heavenly father, please forgive me for who I have sin. Kung mai-impyerno man gusto ko kasama si Rap. Damay-damay na 'to.

"Bullshit! Don't just stare at me will you!" Daing niya.

Napaigtad ako. Umupo ako sa pinakamalapit na upuan sa kanya.

"Magluluto kasi sana ako..."

"Then?"

"Ayon na. Umapoy ng malaki ang frying pan mo. Di ko kung ano ang nangyari promise." Itinaas ko pa ang kamay ko. "May gigisahin lang naman sana ako kaso nung nilagay ko na doon sa frying pan biglang lumaki ang apoy tapos... ayon na." Pagpapatuloy ko.

Rinig ko ang mga pagbuntonghininga ni Rap.

"Wag ka nang magluto."

"Huh?"

"Nasa iyon kung di mo ako narinig."

"Pshh! Kung ganun ano ang kakainin ko?"

"I have restaurant padadalhan na lang kita. Basta wag mong sunugin ulit ang kusina ko. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Alam mo Rap foreigner na foreigner ang dating mo pero nakakamangha na ang galing mo sa Tagalog."

"Nagkakaintindihan ba tayo Hernane!"

"Ay, shit. Oo naman." Gulat ko sagot sa kanya.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sigaw niya. Ipagdadasal ko talaga na sana hindi siya magkaka-goiter. Hindi naman kasi ako bingi para sigaw-sigawan niya.

[MUS2] Taming In The Wild|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon