SPECIAL CHAPTER I

44.8K 1.1K 332
                                    

Special Chapter I

Dareen Pov

Napairap nalang ako sa ere ng maramdaman ko ang kamay ni Rap na pumulupot sa maliit kong na baywang. Oo sexy ako at walang makakatanggi dyan. My body my choice! Charot! May lakas loob akong umirap-irap sa ere dahil nakatalikod si Rap sa akin na humihilik pa sa leeg ko. Kiliting-kiliti na ako sa mainit niyang hininga. Nakakasawa na rin pala ang ganito gusto ko nang bitawan itong si Rap pero alam ko naman na hindi niya iyon kaya. Oo sa relasyong ito ako talaga ang super na nag-aadjust! Pero charot lang ulit!

Sinong magsasawa sa lolo ko na 'to? Shemz! Ang mga asong kalye lang ni Rap ang magsasawa dito. Sa hindi nakakaalam at walang balak na alamin ang buhay ko. Well, kahit wala kayong paki ay sasabihin ko pa rin na nakatapos na ako ng pag-aaral! Oo, finally ang baklang pinagpala nang pinalayas ni Senator Ram Hernane ay nakatapos na. Bongga ako kasi nakapagtapos ako without Rap's help. I mean financially. Pero may moral support naman like mga gatas niya na iniinom ko, pagkain sa hotdog niya, I mean sa mga pagkain. Oo. Shemz! H'wag kayong berde nagbabagong buhay na ako.

Ito na! Seryoso na 'to! Kasal na talaga kami ni Rap kaso secret wedding lang ang peg kaya ako lang ang nakakaalam! Charot ulit for the nth time!

But yeah... ang laki talaga ng sama ng loob ko sa mga magulang ko. Sobrang laki na malaki pa sa baton ni sweetie. Malaki ang naging sama ng loob ko at tampo sa kanila kasi nga sarili nilang anak nagawa nilang palayasin sa kanilang pamamahay. Aminado naman akong awardee ako when it comes to lagwatsa pero para sa akin di naman sana umabot sa palayasin nila ako. Kakayanin ko naman ang mga grounds nila sa akin but wala na akong magagawa kasi matagal nang nangyari iyon.

Pero ngayon naintindihan ko na sila. Naintindihan ko na sila dahil pinaliwanag na nila sa akin kung bakit humantong sa pagtaboy nila sa akin iyong naging pasya nila noong mga panahong iyon. Alam ko naman na politiko ang ama ko. At di ko alam na may banta na pala sa mga buhay namin na nagaganap sa loob ng bahay.

Napilitan ang mga magulang ko na itulak ako palayo sa bahay dahil doon. Kilala pala ng pamilya ko ang mga Marcet kaya napadpad ako sa kanila. Noong una ang plano pala ay sa bahay talaga nila Mommy Bienvenida ako tutuloy kaso wala ang mga in-laws ko sa bansa nang mga oras na iyon kaya sa bahay ni Sweetie ako napadpad.

Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari sa graduation day ko. Akala ko rarampa ako na di makikita ang mga magulang ko. Akala ko si Rap talaga ang kasama ko na rarampa pero dumating sila.

Naluha ako nang makita ko ang nga magulang ko na magkasabay na bumaba sa van namin. Nagkalat agad ang nga bodyguards nila.

Tiningala ko si Rap na nasa tabi ko na naka suporta sa likod ko.

"Sinabi mo sa kanila?"

"No, they have their own ways of knowing your whereabouts."

Kinunutan ko siya sa noo ko.

"You're their precious son. Of course, the senator will have someone to look after you even if I'm on your side."

Giniya ako ni Rap papalapit sa mga magulang ko dahil para akong senemento sa kinatatayuan ko. And before I could spread my arms for them Mommy Aliza already cage me.

"I'm so proud of you, Dar. Mommy is so proud of you." Mommy cried.

Nang kumalas si Mommy sa pagkakayakap ko ay lumapit sa akin si Daddy. Parang di ko siya nakita ng ilang taon. Ang huling pagkikita namin ay nung naospital ang kagandahan ko. And that was only months ago.

[MUS2] Taming In The Wild|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon