CHAPTER 17

33.7K 1.1K 252
                                    

Dedicated to:Joshbanadera19
___________________

Chapter 17





Dareen Pov

"So this bastard is your ex? pagpuputol niya sa akin.

Napalunok na lang ako.

Sa ganitong sitwasyon na para akong pinag-aagawan ng dalawang lalaki— na para silang naglalaban para sa akin. Dapat ay kikiligin na ako. Dapat ay humandusay na ako sa kinatatayuan ko ngayon sa kilig.

Ngunit! Ngunit! Para akong pinanghihinaan, para akong kinukuhaan ng lakas sa titig sa akin ngayon ni Raphael. Mas humulma ang panga niya ngayon. Mas na depina ang panga niyang may tumutubo maliliit na balahibo. Those lightly grown whiskers make him look so... hot and sexy. Sa mata ni Rap na nandidilim ay nanginginig na ako sa kaba. Shemz!

Gusto ko siyang hawakan.

"Hindi ka pa naglunch?"

Napataas ang dalawang kilay ko sa tanong ni Rap sa akin. Iyong paraan ng pagtanong niya sa akin ay di lang siya sumigaw kanina. Parang di lang siya umiksina kanina. Bilis mag-iba ng mood.

Bumaba ang mata niya kaya napatingin din ako doon.

Nagkalat pala ang pagkain ko doon sa sahig. Binagsak ko pala iyon kanina sa galit ko.

"Halika kumain ka muna." si Rap saka hinila ang palapulsuhan ko. Tumango lang ako kay Rap at walang salita na hinayaan siyang hawakan ako. Shemz!

Napatigil saglit si Rap nang pagharap niya ay nanduduon pa rin ang gago kong ex. Nakatulala na nakatingin sa ganda ko! Biro lang. Nakatingin lang siya ngayon sa lolo ninyong sobrang gwapo at hot! Ano ka ngayon gago ka!? Akala niya ba di ako mamahanap ng ipapalit sa kanya na mas hot, mas pogi, mas matured, mas malaki ang katawan, at mas lalong malaki ang kargada kumpara sa kanya!

Nais ko sanang isigaw kaso baka ako naman ang nasuntok ng kamao ni Rap na ngayon ay nakakuyom. Ang ugat! Ang ugat sa kamay niya ay bakat na bakat. Ganitong klaseng kamay ang nais kong sumakal sa akin– pag nasa kama!

We bulldozed, passed, Geoffrey the bastard! At gaya kanina ay naghahanap talaga si Rap ng away dahil binundol na niya naman ang balikat ni Geoffrey.

Hawak ni Rap ang isang kamay ko kaya gamit ang libre kong kamay ay inayos ko ang pagkakalagay ni Rap sa scarf sa leeg ko. Tangina! Para akong sinasakal sa pagkakalagay niya nun.

Malapit na kaming makalabas ni Rap sa canteen. Pero kapwa kaming dalawa napatigil nang sumigaw si Geoffrey. Ang baliw kong ex pinapataas talaga ang dugo ko to the highest point!

"Ano Dareen, mas gusto mo pala ang matatanda ngayon!? Ano dahil kaya niyang lalaki mong sustentuhan ang luho mo! Ano lumuluhod ka rin sa harapan niya'n at- arrggghh!"

Napaharap ako kay Geoffrey ng bigla siyang napasigaw ng ungol. Nanlaki ang mata ko nang makita kong hawak-hawak niya ang tagiliran niya. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Rap sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay ko na unti-unti nang pumuputla sa pagkakahigpit ng kapit doon ni Rap.

"R-rap ang kamay ko."

"Fuck!" siya at agad na binitawan ang kamay ko.

"Puta! Bat mo 'ko binato!?" sigaw ni Geoffrey kay Rap.

Gulat naman akong napatingin kay Rap dahil siya pala ang bumato kay Geoffrey... nang metal tray! Nalibot ko tuloy ang tingin ko sa paligid dahil di ko man lang alam kung saan niya nakuha ang tray na binato niya kay Geoffrey. At dumapo ang tingin ko sa mesang malapit lang sa amin ni Rap na may dalawang babae na nakaupo at ang pagkain nila ay natapon sa mesa nila. Tulala ang dalawang babae na nakatingala kay Rap. Walang galit sa mata nilang nakatingin kay Rap. Puro iyon paghanga at parang nalalaway na! Mga bwesit!

[MUS2] Taming In The Wild|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon