CHAPTER 25

34.7K 1.1K 303
                                    

Dedicated to: AlayonKester
_________________________

Chapter 25





Dareen Pov

"Don't speak something about death Dareen. Not again, baby."

Nais ko mang humandusay sa kilig at nais kong halikan si Rap kaya lang di ko iyon magagawa dahil nandidito ang mga magulang at saka nandidito ang frenemy ko. It is really unusual that Rap called me- shemzz! Baby. Shocks! Kinilig ata pati ang bawat dulo ng buhok ko.


It's not the first time he called me... eherrmm- baby especially when we sex. Yes, ang lolo ninyo bini-baby ako kapag nag-aano kami. Pero ngayon wala- walang sex ang nangyayari. He just called me baby. I can't help it but to blush. Pakiramdam ko ngayon para akong napapalibutan ng mga magaganda at mababangong bulaklak na sumasayaw sa hangin. Ang sarap at ang gaan sa pakiramdam. Parang sa ilang saglit ay nakalimutan ko na may kasama pala kami dito ni Rap sa loob ng kwarto.


I don't want to hope for nothing but a faint of changes in Rap's behavior towards me... makes me not to lose hope for his affection. I already accepted this feeling, I felt for him, nga lang sa una pa lang alam ko naman na hindi masusuklian ito ni Rap. Pero ngayon parang pinapakita niya sa akin na may pag-asa— na may chance na magustuhan niya ako.


"You wanna go home?" Dumapo ang kamay ni Rap sa balikat ko.


"I... just don't want to see them Rap." I was talking about my parents.


"Okay." aniya saka tinalikuran ako at tinungo ang mga magulang ko. "Mrs. Hernane, Senator Ram just leave Dareen for now. I'll be looking after him besides... we will go home later." rinig kong saad ni Rap doon sa mga magulang ko.


"Okay, we gotta go Raphael." si Daddy naman kay Rap.


Tumingin ako kina Mommy na papaalis. Nilingon pa ako ni Mommy at malungkot nita akong nginitian. I smiled at Mommy. Iyong ngiti na nagpapahiwatig na ayos lang ako, na nasa mabuting kamay naman ako. Ngiti na nagpapahiwatig na nagpapasalamat ako sa ginawa nila sa buhay ko. I knew, I didn't want this in the first place but I learned a lot from this things. So, I should be thankful in spite all.


Chiara and I started eating and Rap was on his phone on the corner. After, we ate lumabas na naman si Rap at pagbalik niya sinabi niya na pwede na daw kaming lumabas.


"Chiara wanna go to your Daddy before we go home?" tanong ni Rap sa pamangkin niya.


"No need Rap. I knew my Dad is busy with my mom."


"Okay." si Rap kay Chiara. Binaba ko si Chiara sa kama at yumuko ako upang ayusin ang dress niya.


"Dareen. Does you wound hurts?" tanong ni Chiara ng maayos ko ang damit niya.


"Slight. Konting scratches lang ito sa maganda kong kutis Chiara." pabiro kong sagot sa kanya.


"I'm really sorry Dareen. It's all my fault." nakangusong wika ni Chiara.


Napangiti ako sa frenemy ko at pinangot ko ang ilong niya. "Wag kang mag-sorry ayos lang ako."


Mas ngumuso siya at sinamaan ako ng tingin. Tumayo ako ng maayos dahil aalis na kami. But to my surprise, may kamay na dumapo sa beywang ko awtomatik na mapaigtad ako sa gulat ko.


Napatingin naman ako sa kamay ni Rap na dumapo sa beywang ko. I bite my lips to hide my smile. Shocks! Nagmistulang kampo ng mga insekto ang tiyan ko at sabay na nagwala. Ano ba ang nakain ni Rap at bakit parang ang... sweet niya? Kanina pa kasi siya. Wag niyang sabihin na humaling na humaling na siya sa ganda kong ito?


[MUS2] Taming In The Wild|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon