PROLOGUE

6.6K 196 5
                                    

Ang buhay ko ay umaangat na. Naitataguyod ko na ito ng mag-isa. Malapit na rin akong makapagtapos ng pag-aaral. Nakakatuwa diba? Unti-unti ko ng nakakamtan ang buhay na babago at bubuo sa buhay ko.

I want to be successful. Kapag nangyari iyon ay hahanapin ko sila, ang pamilya ko. Dahil gusto ko silang makita.

Pero ang mga pangarap at plano kong iyan na binuo sa mahabang panahon ay naglaho nalang na parang bula.

Sa isang iglap. Nagbago ang lahat.

Isang virus ang kumalat sa sangkatauhan na nagpabago sa takbo ng buhay ng lahat. Sila ang tinatawag na mga ZOMBIES!

Back when I was a child. Napapanood ko lang ang mga zombies sa mga pelikula na gustong-gusto ko ring mangyari sa totoong buhay dahil akala ko ay nakaka-excite ang ganung mga eksena. Dahil kailangan mong maka-survive yung parang sa video games ba, kumuha ng pagkain at laruan sa mga malls at maghanda ng mga sandata na pwedeng panglaban sa kanila. Pero mali ako!

Takot, lungkot at pangamba ang madarama mo kapag nandito kana sa sitwasyon na ito. Takot dahil baka isang araw ay maging isa na rin ako sa kanila, lungkot dahil wala ng kasiguraduhan ang magiging kinabukasan ng mundo, at pangamba dahil baka isang araw ay mapasok nila itong condo na pinagtataguan namin ni Todd.

Todd is a total STRANGER bukod siguro sa alam ko lang ang pangalan niya.

Isang lalaking nag-lalaro ang edad sa dalawampu't siyam. Matangos ang ilong nito, moreno siya, malagong kilay, messy hair look at pinaka-gusto ko sa kanya ay yung mata niya na kulay hazel. Mesmerizing!

Dito walang batas na iiral, walang batas ang mag-liligtas sa iyo. Isa itong laro, laro na ikaw mismo ang gagawa ng batas. Nasa sarili mong kamay ang magiging kapalaran mo kung mabubuhay ka o ito na ang end game mo.

Paano nga ba nag-simula ang lahat ng ito? Paano nga ba humantong ang sitwasyong ito sa mundo? Paano na ang magiging buhay ko? Namin? Makakasundo ko kaya itong si Todd? May iba pa kayang survivor?

Ang alam ko lang sa ngayon ay kailangan naming maka-survive!

_____Mister_Adobo_____

Stuck With A Daddy:
In The Zombie Apocalypse

Edited Version: May 2, 2022

All Rights Reserved 2021
©MisterAdobo

SWAD1: In The Zombie ApocalypseKde žijí příběhy. Začni objevovat