Chapter 14

1.8K 80 2
                                    

Third Person POV

Gumising sila ng maaga para magkipagsapalaran na at samantalahin ang natitirang dilim sa labas. Mabilis ang kanilang paglalakad ngunit walang bakas ng kahit anong ingay.

Lupaypay at lutang ang pakiramdam ni Noah dahil hindi ito nakatulog ng maayos.

Nagdala lang sila ng mangilan-ngilang pagkain para mayroon silang makain sa biyahe.

"Gaano ba katagal ang biyahe bago makarating doon sa isla?" bulong na tanong ni Joseph kay Marco.

"Hindi naman aabutin ng 15 minutes. Basta ang mahalaga ngayon makasakay na tayo ng ligtas."

Sa halos tatlong minutong paglalakad ay huminto sila. Tanaw sa taas ang isang manhole na may taas na tatlong metro. Umakyat sila isa-isa doon. Pagkataas nila ay may kadiliman pa na sumasakop sa labas. Mula doon sa pwesto nila ay nakita na nila ang isang malaking pader na pa-slant o sea wall kung tawagin.

"Madali kayo guys, malapit na tayo sa pangpang." napatakbo na si Joseph sa hagdan ng seawall dahil sa excitement. Sumunod na rin ang iba niyang kasamahan sa kanya dahil sabik na sabik na ang mga ito na makarating sa isla.

Nung makaakyat na silang lahat sa may pader na iyon ay bumungad sa kanila ang isang malawak na karagatan. Naluluhang nagyakapan ang magkakasintahan dahil kay tagal na nila itong inaasam. Sa dinami-rami ng kanilang hirap na pinagdaanan ay nakarating na sila rito, makakamtan na nila ang kapayapaan na kanilang ninanais.

Sa dalampasigan makikita na may ibat ibang klase ng sasakyang pangdagat.

Bumaba na sila doon sa seawall at nagmadali nang makasakay sa isang speed boat. Pumasok si Marco sa loob at siya ang nagpatakbo nito dahil ito ang kanyang propesyon. Nang makasakay na silang lahat ay pinaandar na ni Marco ang Speed boat.

Tinatanaw nilang lahat ang siyudad kung saan nila naranasan ang masalimuot, karumaldumal at nakakapangilabot na mga pangyayari na sa tanang buhay nila ay hindi nila inaasahan na mararanasan nila.

Di na napigilan maluha ni Noah habang nakatanaw sa papalayong bayan na pinanggalingan nila. Magkahalong kirot at saya ang nararamdaman niya ngayon.

May kirot sa loob niya dahil sa nangyari sa siyudad at sa mga nasayang na buhay. Lilisanin na niya ang siyudad na kinagisnan niya. At the same time, siya ay masaya sapagkat nakilala niya ang taong di niya inaasahan na mamahalin siya ng lubos.

Habang naka-upo si Noah ay lumapit sa kanya si Todd at yinakap ito mula sa kanyang likuran.

"Baby are you ok?" tanong ni Todd habang pinupunasan niya ang luha ni Noah.

"Nalulungkot lang ako dahil sa nangyari sa nakagisnan kong lugar, sobrang dami ko na kasing memorya doon. Ngayon ay umaasa ako na sana matahimik na tayo doon sa isla." sagot ni Noah habang kumikinang dahil sa luha ang mata nito.

Patuloy parin ito sa pagpunas ng mga luha niyang lumandas sa pisnge.

"Tsaka sobrang daming alaala ang bumabalik sa akin Todd. Papalayo na ang bayan na nagpakilala sa atin sa isat isa, ang nagturo sa ating dalawa na maniwala sa kakayanan ng bawat isa at nagturo sa atin ng tunay na halaga ng pagmamahal. Sobrang mamimiss ko ang lahat ng memories natin diyan Todd mapait man o masaya. Ang dami kong rin natutunan Todd na babauin ko hanggang sa tumanda tayo. Alam mo tama yung papa mo, madaming pait at nakakatakot na mangyayari sa iyo ngunit nahanap ko ang kagandahan doon at ikaw yun Todd."

SWAD1: In The Zombie ApocalypseWhere stories live. Discover now