Special Chapter

2.1K 80 8
                                    

• Noah Faukerson POV

Ika nga sabi ng matatanda 'Sa hinaba haba ng prosisyon, sa kama parin ay este sa simbahan parin ang tuloy'.

Sandali kong ipinikit ang aking mga mata. Rinig ko ang masayang pag awit ng mga ibon sa himpapawid. Dinadama ang banayad na simoy ng hangin na dumadampi sa mukha at kamay ko habang hawak hawak ko ang isang bouquet ng puting mga rosas.

Habang nakapikit ako ay bumalik ang ilan sa masasayang alaala sa nakaraang ilang buwan at magagandang alaala na kasama ko siya, si Todd.

Naaalala ko pa kung paano kami nagkakilala noon. Napaka-unexpected talaga ng tagpo na iyon. Parang tinadhana kaming magsama sa isang condo, pinagsama ng mga zombies, ikinulong at doon umusbong at nagsimula ang pag-ibig ko sa kanya at ganun rin siya sa akin na sa buong buhay ko ay hindi ko inaasahan. Naalala ko pa noon kung pano niya ko asar-asarin at inis inisin. Mula doon sa paghubad niya sakin ng walang pasabi at yung mga moment na akala ko ay mawawala na siya sa akin sobra talaga kong naasar ng mga panahon na yun sa kaniya buti nalang may pagkamarupok tayo. Naalala ko rin kung paano kami naging instant parents, sobrang saya. Isa yun sa mga milestone ng buhay ko. James Faukerson, Jake Faukerson at Yohan Faukerson, mga pangalan ng mga munting anghel na nagdagdag ng kulay sa samahan at pagmamahalan naming dalawa ni Todd. Ang saya saya ng araw na iyon like legit! Although, maraming struggle na pinagdaanan masasabi kong isa yun sa mga naging dahilan kung bakit nandito ako, kami, ngayon nabubuhay ng payapa at masaya.

"Bubuksan na namin ang pinto. Ready! In Three, Two, One!"

Bumungad na nga sa akin ang isang puting carpet, mga puti at kumikinang na palamuti at chandelier, mga puting rosas at white gypsophilia flower at mga kaibigang bihis na bihis ng gowns at suit.

Sinalubong ako ni Marco at Migs. Sila na ang tumayong mga magulang ko. Nagbeso muna kami pagkatapos ay inangkla ko na ang braso ko sa kanila.

Habang naglalakad ako papasok ay inawit na ni Joseph ang kantang Perfect by Ed Sheeran. Talentado rin pala ang kumag, char! Favorite kasi naming dalawa ang kanta na iyan lalo na kapag isinasayaw niya ako sa kwarto ng sweet.

"We're so proud of you!"

"We're so happy for the both of you!"

Halos sabay nilang sabi.

I found a love for me🎶
Oh darling, just dive right in and follow my lead
Well, I found a boy, beautiful and sweet
Oh, I never knew you were the someone waiting for me

'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow, your heart is all I own
And in your eyes, you're holding mine

Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms

Sa buong buhay ko ay hindi ko lubos akalain na mangyayari ang mga bagay na ito. Lalo pa sa ganitong uri ng panahon at sitwasyon. Pero kahit anong mangyari, kung kayo talaga para sa isat isa, ay kayo talaga.

Napaka-special ng araw na ito sa akin. Iche-cherish ko ang moment na ito habang ako ay nabubuhay. I never imagined this scene wearing white toxido while walking down the aisle towards to my husband. Umaapaw ang pagibig at kagalakan sa aking puso. Sorry napa-english na ang lola niyo.

Barefoot on the grass, listening to our favourite song🎶
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, darling, you look perfect tonight

Well I found a man, stronger than anyone I know
He shares my dreams, I hope that someday I'll share him home
I found a love, to carry more than just my secrets
To carry love, to carry children of our own

SWAD1: In The Zombie ApocalypseWhere stories live. Discover now