Chapter 5

3.5K 135 6
                                    

Noah's POV

Tanging patak lang ng tubig sa lababo ang maririnig dahil sa sobrang tahimik ng paligid dito sa condo.

Nasa mini sala kaming tatlo. Nakaupo si Todd sa couch at katabi ako nito. Samantalang sa single sofa naman si Marco.

Makikita sa mukha ni Marco ang pasa dahil sa suntok kanina ni Todd. Pumutok din ang labi niya dahil sa lakas ng suntok nito. Samantala'y makikita naman sa mukha ni Todd ang inis nito.

"Pasensya kana pre kanina." Paghingi ng tawad ni Marco. Kita naman sa mata nito ang sinseridad.

Hindi niya naman kailangan humingi ng tawad dahil unang-una wala naman siyang ginagawang masama.

Tinapunan lang ito ni Todd ng tingin pagkatapos ay ibinaling ulit niya ang paningin sa ibang direksyon. Suya parin ang namumutawi sa mukha nito.

"Kung ano man ang dahilan para suntukin moko, pre, pasensya na." Paghingi ulit ng tawad ni Marco.

Hindi pa rin kumikibo si Todd, parang pinipigil lamang nito ang inis niya. Kaya hinawakan ko na ang braso nito para pakalmahin siya, kagaya nung unang beses ko siyang pakalmahin.

Tiningnan naman nito ang kamay ko pagkatapos ay itinungo niya ang tingin sa mukha ko. Hindi na mabigat ang damdaming namumutawi sa mukha niya.

Todd, wag kana magselos. Ikaw lang naman ang love ko. Sinasabi ng isip ko habang nakatingin sa mga mata niya. Mukhang naintindihan naman niya.

Pagkatapos niya akong titigan nang ilang segundo ay binaling na nito kay Marco ang tingin niya. Humangos muna ito bago magsalita."I really dont care on what you are saying right now."Tumingin siya saglit sakin."I trust Noah. Just tell me kung paano ka napunta dito?" Malamig na tugon ni Todd.

"Oh okay, about that..."

Nag-kwento na itong si Marco kay Todd. Sinabi niya lahat nang sinabi niya sa akin kanina. Tahimik lang dito si Todd sa tabi ko at seryosong nakikinig. Detail by detail kung mag-kwento itong si Marco kaya hindi na namin namalayan ang oras, dapit-hapon na.

Lumaylo naman kahit papaano ang ekspresyon ng mukha ni Todd pero ramdam ko na hindi pa rin ito maka-get over sa nangyari dahil sa lamig nito magsalita. Ang cute niya magselos.

Hawak ko parin ang braso nito. Napansin ko rin na hindi na niya ako tinapunan ng tingin kahit saglit simula kanina. Ewan ko pero may part sakin na natutuwa ako dahil alam ko na mahal niya talaga ako. Selos na selos ang daddy ko.

"Don't worry. Pre may dala akong mga goods na nakuha ko sa lahat ng dinaanan kong condo.." Nakangiti niyang sabi kahit na skit na sakit sa labi niyang may sugat."Sana pumayag ka na mag-stay ako dito. Okay lang ba?"

"Okay. Alangan namang pabayaan ka lang namin diyan sa labas. Konsensya pa namin kung may mangyari sayo." Pagsang-ayon ni Todd na halatang napilitan lang.

Binaling naman ni Todd sa akin ang paningin niya tsaka nagsabi,"Payag ka rin ba Noah na dito siya mag-stay?"

Dahan-dahan naman akong tumango sa kanya bilang pag-sang-ayon na rin.

Pagkatapos kong mag response ay humangos siya ng malalim. Pagkatapos ay tumayo siya, tinungo ang closet at kinuha yung isang libro na may titulong 'Vampire Series: The HalfBlood's Desire' na hilig niyang basahin.

Akmang di-diretsyo na sana siya ng balkunahe nang bigla kong hawakan ang braso nito. Huminto naman ito at tinapunan niya lang ako ng tingin, sobrang lamig nito. Pagkatapos ay dumiretsyo na siya sa balkunahe.

Gusto ko sana siyang kausapin kaso naisip ko munang makapag-isip-isip siya.

Pumunta na lang ako sa kusina at nagluto ng pagkain para sa hapunan. Naiwan naman si Marco sa sala na abalang inaayos ang kanyang mga dala.

SWAD1: In The Zombie ApocalypseWhere stories live. Discover now