Chapter 11

2.2K 89 10
                                    

Third Person POV

Habang nag-aalmusal sila kanina ay napag-usapan nila ang kaunting pagbabago sa plano. Imbes na mag-hintay pa mamayang gabi para sumuong ay mamayang tanghali na nila ito gagawin.

Inilabas ni Ian ang SUV na nakagarahe at ipinarada niya ito sa harapan ng bahay. Abala sila Jane, Migs at Noah sa paghahanda ng mga gamit na importante sa loob ng bahay na kanilang dadalahin. Habang ang tatlo naman na sila Ian, Todd at Marco ay kino-customize ang SUV na kanilang sasakyan.

Kagaya ng ginawa nila doon sa tren ay dinikitan nila ng mga newspaper ang loob ng bintana ng sasakyan. Humuli rin sila ng isang zombie. Pinatay ito at tsaka nilagay sa grinder machine para madurog at maging pino ito na parang giniling. Nagsuot sila ng gloves at mga damit na mako-cover ang kanilang katawan upang hindi sila matalsikan ng dugo nito na maaaaring maka-infect sa kanila.

Ang giniling na laman na iyon ay inilagay at hinati-hati sa tatlong balde. Hinaluan nila ito ng kaunting tubig at tsaka hinalo. Isinaboy nila ito sa buong katawan ng SUV. Ginawa nila ito dahil sabi ni Ian ay may mangilan-ngilan na zombie na matalas ang sense of smelling na napansin niya noong naglalakbay sila ni Jane pero mahina ang kanilang eyesight at hearing sense. Wala naman daw masama kung gagawin nila iyon para na rin magkaroon ng dagdag na proteksyon.

Sinunod nila ang unahan ng sasakyan. Pinatungan nila ang unahan ng sasakyan ng mga matitigas na sheet na bakal. Nilagyan rin nila nito ang likod at ibabaw ng sasakyan.

May posibilidad din na dumugin sila at magkaroon ng malakas na pwersa na maaaring magdulot ng pagkatumba ng SUV. Nag-iisip sila ng paraan. Kumuha sila ng anim na tubo sa bodega, nilagyan ito ng base at iyon ang magsisilbing holder ng mga bakal na tubo. Ang mga holder na iyon ay idinikit sa upper part na gilid ng sasakyan, ang mga tubong bakal ay naka-slant mula sa taas pababa. Ang mga bakal na tubo ang magsisilbing suporta para hindi matumba ng tuluyan ang sasakyan kung sakali man na dagsain sila ng sandamakmak na mga zombies.

Dahil nga mga lalaki, mahilig sa mga aksyon. Naisip nila na kabitan ng bomba ang sasakyan. Papaputukin nila ito once na makasakay na sila sa tren. Hindi nila ito binanggit sa kanilang mga partner upang hindi na tumutol pa.

Naka-cross arm silang tatlo habang tinitingnan ang na-customize nilang sasakyan. All are set, plan has been made and they are ready to go.

___________________

Noah's POV

Nakasakay na kaming lahat sa SUV. Lahat ng kailangan namin ay handa na. Lilinasin na naman namin ang bahay na ito na naging tahanan na rin namin.

Si Ian ang magmamaneho ng sasakyan habang naka-upo naman sa shotgun seat si Jane. Magkatabi naman kami ni Todd dito sa gitna at sa huling row ng seat naman sila Marco at Migs.

Pinaandar na ni kuya Ian ang makina at handa na kaming bumiyahe sa langit, char! Syempre di naman papayag ang mga Top namin na may mangyaring masama samin.

Hindi ko alam pero yung kaba ko ngayon ay di na gaya dati kung ikukumpara ito noon. Siguro ay nasasanay na ako na ganto na ang kalakaran ng mundo. Kapag mahina ka, mamamatay ka. Kapag malakas ka, marami ang tyansa na mabuhay ka. Dumagdag sa tapang ko itong si Todd na parating nandiyan sa tabi ko para subaybayan at protektahan ako.

Nakalabas na kami dito sa tinutuluyan naming bahay. Tama lang ang takbo ng sasakyan namin.

Habang nasa biyahe ay lumapit si Todd sa akin at hinalikan ako,"Everything will be fine. Makakarating din tayo sa mapayapang lugar."

SWAD1: In The Zombie ApocalypseWhere stories live. Discover now