Chapter 3

4.6K 168 33
                                    

Noah's POV

Oo, napatunayan ko na wala nga siyang ginawa sa katawan ko pero nahihiya parin ako sa ginawa niyang paghuhubad sa akin noong isang araw. Ilang araw ko na rin siyang iniiwas-iwasan. Buset kasi!

Gustuhin ko mang umalis dito dahil sa kahihiyan ay hindi pwede. I admit. Di ko kakayanin kung wala siya.

Wala akong kalaban laban, hinuhubaran na pala niya ko. Walang hiyang lalaki to!

Argh! Bahala na. Ang mahalaga ay tanggap niya kung sino ako. Kasi parang magtatagal kaming magkasama dito, napaka-awkward naman kung may mamagitan pa sa aming pader dito.

Gabi na. Kasalukuyang naliligo si Todd sa banyo. Ako na lang ang nag-presenta na magluto para sa hapunan naming dalawa, gawain ko naman ito noon kaya sanay na.

Tiningnan ko ang loob ng ref at mga cabinet. May mga de-lata, mga drinks at beer, noodles at may kalahating sakong bigas parin dito sa lapag. Sa tansya ko ay tatagal pa ito ng ilang araw.

Hindi dapat kami magsayang ng pagkain dahil dadating din ang oras na mauubos ang supply nito. Iniisip ko palang, na-i-stress na ako.

Labing-limang minuto rin bago ako natapos magluto. Habang inihahanda sa lamesa ang pagkain namin, hindi ko maiwasang isipin ang unang araw kong masilayan si Todd. Namangha talaga ako sa angkin niyang kakisigan at ka-gwapuhan. Hindi ko siya kilala pero ngayon ay magkasama na kami sa loob ng iisang condo at nagsasalo na sa iisang hapag-kainan.

Mabait at masasabi kong matapang si Todd kaya naman kahit punong-puno ng zombie ang mundo ay parang hindi ako natatakot. Kasi naman kasama ko yung taong alam ko na kahit papaano ay maaasahan ko.

Bigla na lamang akong napangiti kasi naman kung iisipin ay hindi siya mahirap mahalin. Luh, ano ba 'tong pumapasok sa isip ko at bigla na lamang akong napapangiti.

Napatingala ako at huminto muna sa ginagawa ko. Actually siya ang ideal guy ko. Kahit sino naman siguro magiging ideal man siya.

Di ko tuloy maiwasang isipin na para na kaming mag-asawa dahil sa ganitong set-up. Pero ang tanong hanggang kailan? Walang kasiguraduhan ang buhay naming dalawa.

Di ko namalayan na nandito na pala si Todd kaya napaiktad ako ng magsalita ito."What with that smile?"

Umiling ako para sabihing wala iyon at pumunta sa lababo dahil baka mahalata niyang kinikilig ako. Tila pinamulahan ako ng pisnge.

"Wow! Tamang-tama gutom na ako. Tara kain na tayo." Pag-aya nito sakin. Bakas sa mukha nito na takam na takam siya habang nakatingin sa simpleng pagkain na inihanda ko. Umupo na siya at nag-umpisa nang kumain. Sumabay na rin ako.

Nadi-distract ako kay Todd dahil di man lang nagsuot ng kahit anong damit. Tanging salawal lang ang saplot nito kaya naman nakaka-ilang ng kaunti.

Di ko maiwasang masulyapan ang umu-umbok niyang alaga sa loob nito. Napapalunok na lang ako dahil sa kanya. Tumataas ang init ng katawan ko dahil nalilibugan ako. Tao lang rin ako natutukso.

Shxt! Ito yung mga napapanood ko sa mga zombie movies eh, hangga't maaari pipigilan ko ang sarili ko. Ang pervert ko!

Tinuon ko nalang ang sarili ko sa pagkain kahit nahihirapan.

Kalaunan din naman ay natapos na rin kami.

Siya naman ang naka-toka sa paghuhugas kaya tinungo ko na ang banyo at doon ay naligo. Routine ko na kasi 'to like bago matulog ay maliligo. Mas mahimbing kasi matulog kapag ganun.

SWAD1: In The Zombie ApocalypseKde žijí příběhy. Začni objevovat