Chapter 22

1.6K 78 7
                                    

Third Person PoV

Halos mag-iisang oras din ang biyahe nila. Lumapag na ang sinasakyan nilang military helicopter. Bumungad sa kanila ang isang malawak na field. Makikita dito ang mga sundalong nagte-training, mga two-story building na may ibat ibang gampanin sa lugar, facilities, at mga sasakyang panghimpapawid na sa pelikula lamang ni Noah nakikita.

"Dito na ba yun?"ani Ian habang pinagmamasdan ang paligid.

"Malamang dito tayo nilapag!"sarkastikong sagot ni Joseph kay Ian.

"Sherep!"wala sa katinuang banggit ni Jane ng dumaan sa kanilang gilid ang mga nagja-jogging na topless na mga sundalo. Pati si Noah at Migs ay napalunok sa mga sundalong dumaan doon.

Pumalakpak ng dalawang beses ang captain para tawagin ang atensyon ng grupo nila Todd. Pero nakatingin parin ang tatlo sa mga sundalong tumatagaktak na ang pawis.

"Noah!"

"Migs!"

"Jane!"

"Dad!"

Sabay sabay na pag-saway ng tatlong top sa kanilang mga bottom at ng mga bata. Doon lang bumalik sa ulirat ang tatlong takam na takam, char!

"Gusto ko lang ipakilala sa inyo si Nurse Kenn."kumaway naman si nurse kenn sa kanila."Siya ang gagawa ng test sa inyo. Pagkatapos ay may susundo sainyong military truck at ihahatid na kayo sa magiging tahanan ninyo. Any question?"dagdag pa ni Captain Steve.

Nagtaas naman si Jane ng kamay."Tanong ko lang po. Siguro may bakery kayo dito."

Napakunot noo naman ang kapitan."Bakit?"

"Kasi ang daming pandesal na naglalakad."inakbayan na siya ni Ian at tinakpan ang bibig. Napangisi naman ng mahina ang kapitan, yung nurse at mga kaibigan nito.

"Pa-pasensya na po hehe."nahihiyang tugon ni Ian."Sige po wala na kaming question."

"Hello. Magpapakilala ulit ako. Nurse Kenn nga pala."malumanay nitong pagpapakilala."Wag kayong mag-alala mabilis lang ang gagawin na test sainyo. Sundan ninyo nalang ako."ngumiti ito sa kanila.

"Sundan kita hanggang bahay ninyo?"sarkastikong sigaw ni Joseph mula sa likod. Pinagtinginan naman ito ng mga kasamahan niya. Napakamot siya sa ulo. Si Kenn naman ay ngumisi lamang sa kanya."S-sabi ko nga sundan lang natin siya. Ah saan ba nurse cute ay este nurse Kenn?"

"Nakakarami kana Joseph."asar ni Marco."Pagpasensyahan mo na tong kasama namin matagal na-tengga sa pagiging single."nagtawanan ang lahat dahil sa sinabing iyon ni Marco.

Sinundan na nila si Nurse Kenn sa isang parang puting tent at doon ginawa ang test. Mabilis lang naman ang naging test sa kanila na halos inabot lamang ng 15 minutes.

Pagkalabas nila ng tent ay nakita nila ang isang military truck na naghihintay na sa kanila.

Lumapit sa kanila ang isang sundalong nakasuot pangmilitar na uniporme. Kinamayan nito ang nasa unahan na si Noah.

"I'm Colonel Forth Magallanes. Serving as your guide to your destination."nakangiting sabi nito kay Noah.

"Ehem! Marami kami!"parinig ni Todd at kunwari ay tumitingin tingin sa malayo. Sabay inakbayan niya si Noah. Kinilig naman si Noah dahil doon.

Mahaba ang truck kaya umupo lang sila sa kabilang side lahat at sa kabilang side naman yung mga sundalo.

Habang nakasakay sa truck ay mahigpit na yakap ni Todd si Noah. Marami pang space sa gilid ni Todd pero kinandong niya si Noah. Pinagtitinginan naman ng mga sundalo ang dalawa.

SWAD1: In The Zombie ApocalypseWhere stories live. Discover now