Chapter 13

1.8K 92 2
                                    

Noah's POV

Wala na kaming ibang matatakasan. Corner na kami. Ito na siguro ang katapusan namin. Well, atleast nabuhay ako na kasama ang lalaki na sobrang mahal na mahal ko, si Todd. Ang nagparamdam sakin kung paano ba magmahal ng tunay, itinuro niya sakin ang halaga ng buhay at kung ano ba ang purpose ko dito sa mundo.

For the last time, niyakap ko na siya ng kay higpit. Pinapakinggan ang bawat tibok ng puso niya. Bawat tibok na iyon ay mahalaga para sa akin. Para itong musika sa aking tenga.

Napatingin ako sa mga zombie. May isang haba ng bus nalang ang layo nila sa amin. Pumikit ako. Tanggap kona na katapusan na namin. Akala ko si Todd lang ang kakain sakin pero mali ako pero mali ako. Babay na makinis kong kutis, mamaya may uod kana rin.

"Ay títeng malaki!" Sigaw ni Jane dahil sa gulat. Natawag niya tuloy ang atensyon naming lahat.

Napatingin kami dito sa may right side namin. Tumilapon ang takip ng isang manhole na natatakpan ng mga dumi kanina kaya hindi namin ito nakita. Sabay-sabay naming sinilip ang loob.

Mula sa madilim na ilalim ay sumulpot dito ang isang multo! Ay hindi, tao rin siya madungis lang kasi. Isa itong lalaking matipuno ang katawan. Half of his body ay nakalabas sa manhole. Hawak niya ang isang rocket launcher. Pinosisyon niya ito at pinakawalan sa mga zombies na paparating sa amin.

"Dapa!" Sigaw niya.

BOOOOOOOOOOOOOOOOM!

Natulala kaming lahat sa kanya. Tumingin ito sa amin at tsaka tumawa ng wagas."Grabe ang da-drama ninyo. Tara na sumunod kayo, madali." Sabi niya pagkatapos ay bumaba na ito.

Wala kaming sinayang na oras at sumunod sa kanya sa may manhole. Nauna kaming nila Jane at Migs pagkatapos ay sila Todd.

Masyadong madulas ang hagdan pababa dahil sa moisture ng tubig na nandito. May mga lumot na rin kasi ito. Kagaya nga ng inaasahan namin ay nasa drainage kami ngayon. Binuksan kaagad namain ang flashlight ng cellphone namin dahil madilim dito. May mga ilaw naman per malayo ang mga agwat nito sa bawat isa.

Medyo di rin kagandahan ang amoy dito kaya nagsuot kami ng mask. Kumapit na rin ako sa braso ni Todd, nakakatakot kasi dito masyadong madilim. Baka bigla nalang may sumulpot na zombie sa kung saan.

"Asan na yung lalaki?" Tanong ko habang nililibot ang paningin ko. Ganoon din naman sila.

"Ewan, pagkababa ko ay hindi ko na siya nakita." Sabi ni Jane habang nagmamasid. Siya kasi ang unang bumaba dito.

"Hello?" Pagtawag naman ni Migs.

"Hindi kaya ghost yun? Hindi kaya kaluluwa nalang tayo?" Sabi naman ni Ian.

Hinampas naman ito ni Jane."Multo ka diyan, magtigil ka nga. Tinatakot mo lang kami."

"Guys, nakikita ninyo ba iyon? Mukhang papalapit ito sa atin." Ani Todd habang ang direksyon kung saan ay may liwanag. Papalapit ito sa amin ng papalapit.

"Santelmo ba yun?" Tanong ni Ian.

"Santelmo ka dyan. Tánga! Yan yung lalaki kanina. See?" May dala siyang lampara.

Siya nga ang lalaki kanina. Nanggaling ito sa malayo at may dala lampara.

"Mabuti nalang at naabutan ko kayo kanina sa taas. Pero nakakapagod tumakbo, bitbit ko pa naman yung laucher na ginamit ko kanina." Hinihingal nitong sabi sa amin. "Ako nga pala si, Joseph." Pagpapakilala nito.

SWAD1: In The Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon