Chapter 20

1.5K 72 7
                                    

Third Person PoV

Pasado alas-7 na nang gabi. Binalot na ng dilim ang buong paligid. Tanging liwanag lang galing sa ilaw ng buwan ang nagsisilbing tanglaw sa kanila.

Inilapit na ni Marco ang yate sa may daungan ng mga sasakyang pangdagat. Ilinagay naman ni Ian ang boat ladder sa gilid ng yate papuntang daungan.

Sumama sa pagkuha ng pagkain at gasolina sila Todd, Marco, Ian, Joseph at Jane. Hawak na nila ang mga baril na may mga silencer samantalang si Marco lang ang may dalang rifle. Samantala ay maiiwan sa yate si Migs, Noah at ang mga bata.

Pumantay si Todd sa mga bata."Mga anak dito lang kayo sa Dad ninyo. Promise na mag-iingat si Daddy. Babalik agad kami."yinakap na niya ito isa isa.

"Daddy we will take care of Dad. Please take care of yourself too."ani Yohan.

"Yes, I will. That's my boy!"Todd kissed Yohan at ginulo nito ang buhok.

"Daddy magiingat ka po."Jake.

"I will Jake. James ang mga kapatid mo ah take care of them and your Dad."tumango naman dito si James.

Tumayo na si Todd at humarap sa nag-aalalang si Noah.

"Baby, ilang beses na tong nangyari satin. I promise na babalik ako, kami. Ikaw na munang bahala sa mga bata. I love you."siniil niya ito ng halik at yinakap.

"I love you, naniniwala ako sayo Todd. Bumalik ka para sa amin ng mga bata."ngumiti siya kay Todd.

Tuluyan na nga silang bumaba sa daungan. Itinaas na rin nila Noah at Migs ang boat ladder sa yate. Kumaway pa si Noah at Migs sa mga kasamahan nito bago sila umalis.

Dahan dahan na silang lumakad. Bawat hakbang ay maingat at walang bakas ng ingay. Walang nagsasalita, tanging sign language lang ng mga kamay ang kanilang komunikasyon. Kagaya nga ng inaasahan nila ay tulog ang mga zombie na bawat dinadaanan nila.

Mala-ghost town ang lungsod na ito. Tanging ihip lang ng hangin ang maririnig sa buong paligid. Nadaanan nila ang ang ibat ibang uri ng saksakyan meron pa ngang school bus na may mga batang zombie sa loob, tumingala rin sila sa mga naglalakihang building dito na animo'y napakahaunted na nito sa sobrang dami na ng namatay.

Halos tatlong minuto na rin ang nakalipas sa kanilang paglalakad. Huminto sila sa isang gasoline station. Nagpasalamat ang grupo dahil hindi na sila lalayo dahil katabi lang nito ang isang grocery store.

"Kami nang tatlo ang kukuha sa loob ng mga goods."bulong na sabi ni Marco.

Habang kumukuha ng gasolina sila Ian at Jane. Sila Marco, Joseph at Todd naman ang kukuha ng goods sa grocery store.

Nakapasok naman kaagad sila sa loob ng store. Madilim sa loob at kailangan nilang gumamit ng flashlight. They are always born ready.

Maliksi ngunit maingat ang kanilang galaw. Tansyado lahat ng kilos. Kinuha nila ang mga pack ng biscuits, mga can goods, noodles at iba pang pagkain na pwede pang mapakinabangan.

Habang kumukuha si Todd ay may nakita siyang isang section na puro maliliit na laruan o figurine ng mga sikat na anime. Lumapit siya dito ng dahan dahan at hinawakan ang isang laruang kawangis ni Luffy ng One Piece. Tiningnan niya ito at naalala niya si Yohan na paboritobg paborito itong panoorin noong nandoon pa sila sa isla. Napangiti na lamang siya. Kumuha pa siya ng ilan at inilagay ito sa bag na suot niya.

SWAD1: In The Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon