Chapter 12

1.8K 84 7
                                    

Third Person PoV

Isinaboy ng isang maitim at medyo mapayat na lalaki ang tubig sa mukha ng mga natutulog na sila Todd, Noah, Marco, Migs, Ian at Jane. Nakaupo sila  at nakatali ng mahigpit ang kanilang mga paa at kamay. Mayroon din silang busal sa bibig upang hindi ito makapag-ingay.

"Gumising na kayo sabi ni Madam Valore!" Sigaw sa kanila ng isang lalaking naglalaro ang edad sa tatlongpu't apat, may bigoteng ito at malaki ang pangangatawan.

Unti-unti na nga silang nagising at nagkaroon ng malay. Nakatulog at nanghina sila kanina dahil sa itinurok na pangpatulog ng mga ito.

Lahat sila ay nakatitig ng masama sa kaharap nila ngayon. Siya ang taong nakasuot ng pulang damit na naaninag ni Todd noong nawalan sila ng malay.

Sila'y nagkukumahog makawala at pilit nagpupumiglas ngunit wala silang magawa sa mga oras na ito.

Ang nasa harapan nilang nakaupo ay tumayo, naglakad at umiikot ito sa kanilang lahat habang pinapagapang nito ang kanyang daliri sa kanila.

"Hayaan ninyo akong magpakilala." Maarte nitong sabi. Lumapit ito kay Todd at umupo sa hita niya. Hinaplos pa nito ang balikat ni Todd at umangkla pa doon.

Makikita naman sa mga mata ni Noah ang selos at galit sa lalaking nakasuot ng pulang damit. Gusto niyang saktan ang taong ito dahil sa ginagawa nito sa kasintahan niyang si Todd ngunit wala itong magawa.

Hinimas muna nito ang buhok ni Todd bago siya magsalita,"Ako nga pala ang bukod tangi, ang natatanging rosas sa mga tinik at ang pinakamaganda sa lahat. Ang reyna ng lugar na ito, ako si Madam Valore." Malanding sabi nito sa habang tila inaakit si Todd. Pilit namang nagpupumiglas si Todd sa ginagawa niya.

"Sila namang lima ang mga pets ko." Tinuro niya ang limang armadong lalaki kasama na si Harvey. Napaismid pa ito sa lima.

Si Madam Valore ay isang pinuno dati ng isang drúg syndicate. Ngunit dahil sa pangyayari na nangyari sa sangkatauhan ay nabaliw ito at naghangad pa siya ng mas marami. Para sa kaniya ay isa siyang reyna at ito ang itinuturing niyang era. Si Madam Valore ay isang lalaki na mahilig magsuot ng mapula at magagarbong mga damit, ang ulo nito ay nilagyan ng wig na sobrang kapal at makapal na make-up naman ang makikita sa mukha nito. Isa itong Drag Queen sa madaling sabi.

Samantala, ang mga tinatawag niyang pet o alalay ay nabaliw na rin dahil palagi niya itong pinapainom ng mabagsik at matatapang na uri ng drúgs para lamang siya ay sundin ng mga ito.

"Tama na ang pagpapakilala. Naboboring na naman ako." Dismayang sabi ni Madam Valore. Nagbabago na naman kasi ang mood nito. Umupo ulit ito sa kanyang tinatawag na trono at nag de kwatro."Ilapit ninyo nga sa akin ang lalaki na iyon. Gusto ko siya na maging hari ko. Siya ang napili kong maging asawa ko. Bilis!" Sigaw nito sa mga tauhan niya.

Si Todd ang natipuhan nito. Agad namang binuhat ng kanyang mga alalay ang upuan kasama si Todd. Inilagay nila ito sa tabi ng tinuturing na upuang trono ni Madam Valore.

Yinakap ni Madam Valore ang braso ni Todd at hinaplos-haplos pa ito. Kahit pa nagpupumiglas ito.

"Mabubuhay ka kung papayag ka na ikaw ang maging hari ko. Bibigyan kita ng pagpipilian. Kapag nagustuhan ko ang napili mo, magpapakasal agad tayo at pamumunuan natin ang mundong ito. Miski sila ay makakaligtas pero gagawin din natin silang pets natin, isn't fun?" Pabebe niyang sabi kay Todd habang namimilog ang kanyang mga mata.

SWAD1: In The Zombie ApocalypseWhere stories live. Discover now