Chapter 8

2.4K 107 13
                                    

Noah's POV

7:12 PM. Habang palabas kami ng entrance ng gusali ay hindi maiwasan na may nasasalubong kaming mga zombie na gising pa dito sa loob. Pano bukas na bukas ang ilaw dito sa loob ng gusali.

Binabaril nila ito at inaalalayan matumba para hindi makagawa ng ingay.

Samantalang ako ay heto, naka poker face. Para akong bata dito sa likod ni Todd na pinoprotektahan niya.

"Pa isa naman ako Todd. Isa lang naman ih." Mahina kong bulong kay Todd mula sa likod niya.

Tumigil at humarap ito sakin saglit."Wag na. Diyan ka lang sa likod ko." Pagsuway nito sakin.

"Para saan pa ba yung training ko kung hindi ko naman gagamitin." Sarkastiko kong bulong.

Humarap ulit ito sandali sa akin."Habang nandito ako sa tabi mo, hindi mo kailangang gumamit ng baril." Pagkatapos ay humarap na ito sa harap.

Wala na akong nagawa kung hindi dumikit sa likod niya habang namumula ang pisnge dahil sa sinabi niya. Kakakilig naman kasi. Sige na hindi na ko mangungulit kung ganyan dahilan niya ^_^

Nagpatuloy lang kami hanggang sa makalabas na kami sa gusali. Ginamit ulit namin ang mga bisikleta na ginamit namin kagabi. Kahit hindi na umuulan ay napaka-smooth parin naman ng takbo nito.

"Hmft!" Pagpipigil ko sa bahing ko. Buti nalang ay sobrang hina nito kaya hindi lumikha ng ingay. Tila hindi rin ito narinig ng dalawa. Ang sakit sa ilong kapag pinipigil ang bahing.

Ewan ko ba, kanina ay paisa-isa lamang 'to. Pero ngayon parang paratian na. May tumutulo na ring tubig sa ilong ko. Mukhang sisipunin yata talaga ako.

Halos nasa dalawang-pung minuto na kaming nagbi-bisikleta nang biglang sumenyas si Todd na huminto muna. Huminto rin naman kami ni Marco. Bumaba si Todd sa bisikleta niya at ganoon rin ang ginawa namin.

Inaya kami ni Todd na pumasok dito sa isang mini-mall.

So far malinis naman sa loob at wala kaming mga zombie na nakikita kaya makakakuha kami nang maayos ng mga kailangan tulad ng pagkain at tubig.

Habang namimili kung ano ba ang pwedeng kuhain na pagkain, nakita ko ang isang stante na puro nutella.

Naalala ko na naman ang nangyari sa amin ni Todd kanina. Kasi naman ang tagal kong nasimot yung nutella sa alaga niya. Kaya ayun enjoy na enjoy siya

"Nasaan si Todd? Lalakad na tayo." Bulong ni Marco mula sa likod ko na nagpabalik sa wisyo ko. Napaharap ako bigla dito habang nasa dibdib ko ang isa kong kamay dahil sa gulat.

Luminga-linga ako habang nagsasalita."Nandito lang siya kanina, Marco. Nasa likod ko lang siya kanina."

Sinimulan na akong kabahan. Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid pero hindi ko siya makita. May kadiliman kasi dito sa loob.

"Asan kana ba, Todd? Pinapakaba mo naman ako, eh." Bulong ko. Ngunit sa mga sandaling iyon ay napahawak ako sa ulo ko ng isa kong kamay. May kirot kasi akong nararamdaman sa loob. Pero hindi ko yun ininda dahil nag-aalala ako kay Todd.

Kasabay ng paghahanap ko sa kanya ang lamig na naramdaman ko. Kakaiba ito pero ininda ko na lamang ito dahil nag-aalala na ako kay Todd.

"Dito ka lamang hahanapin ko siya." Bulong ni Marco sa akin kasabay ang pagtapik nito sa balikat ko. Tinanguan ko na lamang ito.

Pumunta na ako sa may entrance nitong mall at naupo sa may gilid dahil medyo giniginaw at natatakot na ako. Kayo ba naman iwanan ng dalawa na yun diba kayo matatakot? May mga nakatayo pa namang zombie sa labas nitong store.

SWAD1: In The Zombie ApocalypseNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ