Chapter 18

1.6K 62 2
                                    

Noah's POV

Napatakip ako ng bibig at napalunok. "Hindi! Hindi ito maaari!" bulong ko dahil sa pagkagulantang. Napaluhod at napasalampak na lang ako sa kawayang tulay.

Hindi ako makapaniwala sa gulat nang makita ko ito. Bakit nandito ito? Nagtataka ako dahil hindi naman ito mapupunta dito ng basta-basta kung hindi sinadya na ilagay. Dumapa ako at inabot iyon. Napagtagumpayan ko naman na makuha ito.

Tumayo ako habang hawak-hawak ko ang bagay na nagpa-alala sa akin noong una kaming magkita ni Todd. "Anong ginagawa nitong brief ko dito?" bulong ko.

Ito lang naman yung brief na nakita ni Todd noong hinubaran niya ako noong una kaming nagkita. Sinuri ko ito. Napansin ko sa loob na may nakasulat na mga letra. Binaliktad ko ito at tsaka binasa.

'Pumunta ka sa sala, buksan mo yung box na nakapatong sa lamesa.'

Di ko maiwasang mapangiti dahil sa naghahalong tuwa at inis ko sa may pakana nito, si Todd. Alam ko na isa na naman ito sa mga sorpresa niya sa akin. Wala akong ideya kung ano na naman itong pakulo niya. Siguro kaya wala silang lahat dahil dito, gets ko na.

May kumurot sa loob ko na excitement kasi ang hilig-hilig niyang mang-surprise. Nakakakilig lang. Pero pag ito talaga nagulat ako or pinaprank lang talaga niya ko. Ipapakita ko ang mga bituin sa kanya.

Naglakad na ako papasok ng mansion pagkatapos ay dumiretsyo kaagad ako ng sala. Nakita ko sa lamesa na may box na itim. Nag-indian sit ako sa harap nito pagkatapos ay hinawakan ko ito ng dalawa kong kamay.

Kinabahan ako kasi baka may laman itong mga ipis o palaka na sobra kong kinakatakutan. Wag naman sana dahil makakatikim talaga sakin yun si Todd. Nagmasid muna ako sa paligid, nagbabakasakaling may mahuli ako kahit sino sa kanila pero wala akong nakikita. Ang gagaling nila magtago, talented.

Bumalik na ako ng tingin sa box. Bago ko ito buksan ay inalog-alog ko muna ito at tsaka pinakiramdaman. Wala naman kakaiba kaya dahan-dahan ko na itong binuksan. Nakita ko agad ang isang tela at ang piraso ng papel na sa tingin ko ay may nakasulat na naman na instruction. Mayroon ring makukulay na papel na ginupit sa maliliit sa paligid nito, parang mga confetti.

Kinuha ko ang papel at binuksan ito.

'Isuot mo yang blindfold sa mata mo at mag-stay ka lang dyan.'

Bago ko isuot itong hawak kong pang-blinfold ay sumigaw muna ko, "Todd kapag ako talaga pinagti-tripan mo lang humanda ka sakin." nag-echo lang ang boses ko dito sa loob ng mansion.

Sinunod ko lang ang instructions, sinuot ko ito at nag-stay alng dito. Naiinip na ako pero willing naman maghintay pa. Halos mag-iisang minuto na ako dito nang may maramdaman akong presensya ng paglalakad papalapit sa akin. Siguro ito na si Todd.

Nang tumigil ito sa paglalakad ay nagsalita ito. "Tumayo ka!" pinakapal nito ang boses niya para hindi ko siya makilala. Pero naaamoy ko naman ang pabango niya kaya nakilala ko na si Todd ito. Hindi perfect ang plan pero pwede na, char!

Tumayo na ako ng dahan-dahan. Nang makatayo na ako ay inalalayan niya ako papunta sa kung saan.

"Todd? Ano na naman ba itong pakulo mo? Pati ang iba nating kasamahan, eh, dinamay mo pa. Kumain na ba ang mga bata?" tanong ko habang inaalalayan niya ako papunta sa kung saan. "Alam mo ba na pinakaba ninyo ako kanina. Akala ko kung napano na kayong lahat. Ikaw ba naman gumising na wala na ang mga kasamahan mo." hinampas ko ito sa braso ng mahina dahil hindi man lang sumagot sa akin. Naririnig ko lang ang pigil nitong pagtawa kaya napangiti nalang ako.

SWAD1: In The Zombie ApocalypseWhere stories live. Discover now