Chapter 15

7.3K 191 16
                                    

ARDYNE IAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARDYNE IAN

Mabuti nalang at may aircon ang apartment dahil kung hindi, baka tostado na ako o 'di kaya ay kanina pa ako hinimatay dahil sa sobrang init sa labas. Umalis kasi ako saglit kanina para bumili ng tubig at ilang tinapay. Kanina ko pa inaabangan si Yeoji para sana makausap ko siya pero hanggang ngayong hapon ay hindi parin siya dumarating.

Ang totoo niyan, nasa 80-20 ako ngayon. Eighty percent that I'm taking his deal and twenty percent still wondering if I can find some way out of everything.

Nagdesisyon akong bumaba sa restaurant ni Sir Tony pagdating ng dinner. Gusto kong kumain ng pancit sa totoo lang.

"O, iha, ikaw ang pinsan ni Yeoji na nakatira sa katapat niyang apartment, hindi ba?" tanong agad ng matandan nang maakita niya akong nakatingin sa menu. Pinsan? Iyon kaya ang sinabi ni Yeoji?

Alanganin akong tumango. "Ardyne ho ang pangalan ko," pakilala ko.

Ngumiti ang matanda. "Sige, mamili ka lang ng kahit anong pagkain. Ibinilin sa akin ni Yeoji na kapag bumaba ka ay sabihin kong kumain ka raw ng marami para gumaling ka agad," aniya. Hindi ko inaasahan na iinit ang pisngi ko ngayon.

Oh God, what's happening to me!?

"S-salamat ho," nauutal kong sagot saka itinago ang mukha ko sa menu.

Iilan lang ang tao sa restaurant at mukhang tenant pa ang karamihan. Gaano kaya kayaman ang pamilya ni Yeoji? O ng ibang mga Anarchs? They're not just nobody that's for sure.

Habang kumakain ay ako'y nakigamit ako sa Wi-Fi ng restaurant. Sinubukan kong i-search si Yeoji sa Facebook sa pagbabakasakaling may makita akong ibang info pero wala akong nakitang page niya. Nang mag-Google ako ay may nakita naman akong website. www.anarchs4life.com? Isa pala itong fanpage at ang arte dahil kailangan mo pang mamili ng 'Favorite' member at mag-sign up bago ka makapasok rito. I'm sure ito ang pinaka-reliable na source of info—puno rin siguro ng chismis and whatnot. None the less, nag-sign up ako at pinili si Yeoji as a Favorite member by 'default'.

Sobrang na-overwhelm ako nang makita ko ang laman ng website. Aba, ang daming stolen pictures, mga kung anu-anong impormasyon, chismis, forum discussions with topics like 'sino ang pinaka-hot, sino ang pinaka-magaling sa kama'. Oh. My. God. I had an idea na sikat sila pero hindi naman sa ganitong level!

"Iha," lapit ni Sir Tony. Halos mapatalon ako mula sa kinauupuan ko. Agad kong itinaklob ang phone ko sa mesa. May inilapag si Sir Tony na Tupperware sa mesang kinakainina ko.

"Prutas 'yan, iha. Magpagaling ka ng husto," aniya. Aalis na sana si Sir Tony pero tinawag ko siya. I just had a brilliant idea.

"Kailangan niyo ho ba ng helper dito?" tanong ko. Kumunot saglit ang noo niya. Oh shit! Oo nga pala, pinsan dapat ako ni 'Master Yeoji Dale'. Mayaman ba lahat ng pinsan niya?

"Ah. Oo, iha. Ngayong Summer kasi ay pinagbakasyon ko ang aming mga kasama kaya't kami lang ng asawa ko ang nag-aasikaso rito. May irerekomenda ka ba sana? Kailangan namin ng katulong na maglilinis bago kami magsara," sagot niya.

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon