Chapter 2

13.6K 293 19
                                    

YEOJI DALE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

YEOJI DALE

"Suck it!" sigaw ni Dylan nang maipon ang lahat sa starting line. Sa unang pagkakataon kasi ay siya ang unang nakatapos sa race track. Tinanggal ko ang helmet ko at ang unang sumalubong sa mukha ko ay ang alikabok. Putik naman o!

"Shit, ang lakas ng hangin ngayon!" sigaw naman ni Sen.

"Ako ba ang hangin na 'yan? 'Coz I'm fast like the wind! Swoop!" sigaw nanaman ni Dylan. Hindi ko mapigilang matawa. Paano ba naman kasi ay sinabi ni Drake kanina na pagbigyan namin si Dylan dahil siguradong matatahimik nanaman ito at magdrarama kapag siya ang laging nahuhuli sa mga karera namin.

"Pagbigyan," bulong naman ni Chris.

Ganoon kasi kadalasan. Nagpapalitan kami ni Drake sa first at second, consistent naman si Chris sa third, Sen sa fourth at Dylan sa fifth. Kaming lima ang bumubuo sa ANARCHS.

"Sen, you lost. Drinks on you?" baling ni Drake kay Sen na halatang iritado sa mga pinagsisigaw ni Dylan.

"Sure," tipid na sagot niya.

"Let's ride!" tawag ni Chris sa lahat.

"Mga gagong 'to, patapusin niyo muna speech ko!" ngawa ni Dylan. Hindi nga lang namin siya pinansin. Pasakay na kaming lahat sa mga motor namin nang may lumitaw na grupo palapit sa amin.

"TC High," sabi agad ni Sen.

"Fifteen sila," sambit naman ni Dylan.

"May atraso ba tayo sakanila?" tanong ni Drake. Umiling kaming lahat. Huwag mong sabihing naghahanap lang ng away ang mga 'to? Hinintay naming makalapit ang grupo. Marami sila pero mukhang kayang-kaya naman namin kung sakaling mapaaway nga kami. Ang lakas ng loob ng mga 'to na dumayo sa teritoryo namin.

"Hoy, kayo ba ang mga gagong kumuha ng parking space namin kagabi sa Spade?!" sigaw ng lalaking nasa unahan. Spade? 'Yung bar? Nandoon nga kami kagabi.

Akmang susugod na si Chris pero hinarang siya ni Drake. "Hayaan mong sila ang lumapit," kalamadong sabi niya. May hawak-hawak pang baseball bat ang ilan sakanila. Alam naman siguro nilang lima lang kaming mga Anarchs. Nice, alam nilang hindi kami simpleng mga kalaban. Gusto ko tuloy matawa ngayon.

Maya-maya ay lumapit ang mukhang lider nila. Tumapat siya sa akin.

"Lima lang kayo? Kailangan niyong magtawag ng mga magbubuhat sa inyo!" sigaw niya sa pagmumuka ko. Shit, muntik akong masuka. Ang baho ng hininga! Nagtawanan ang mga kasama ng gagong ito.

"Bibigyan ko kayo ng sampung segundo para umalis. Kakalimutan namin na dumayo kayo dito. Ten, nine, eight..." seryosong sabi naman ni Drake sa tabi. Napangisi tuloy kaming apat nina Dylan, Sen, at Chris.

Nilapitan ng lider si Drake. "Bastos kang gago ka! Ang lakas ng loob ninyo. Puro lang kayo porma at pera. Ipapatikim—" napahinto ang lider.

"One. Time's up." Biglang sinuntok ni Drake ang nagsalita. Napaurong ito habang sapo-sapo ang panga. Automatic tuloy kaming sinugod ng batalyon niya.

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon