Chapter 25

5.7K 156 10
                                    

ARDYNE IAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARDYNE IAN

Tatlong araw na ang makalipas mula nang umalis ako sa apartment complex nina Yeoji. Sa loob ng mga araw na iyon ay hindi ko na siya nakita. Pasimple kong tinanong si Sir Tony bago ako umalis pero hindi din daw niya alam.

Isang three storey building na may dorm type rooms ang nilipatan ko. Hannah was right. The rent was cheap although it would be good if the room was mine alone. I'm not one to mind other's business but my roommate, Polly, is kind of weird. Lagi siyang naka-itim at natatakpan ng bangs ang buong mata niya, kasama na ng parang parati siyang nanonood ng horror movies. The walls are really thin! Kaya naman minsan ay nagugulat ako kapag may naririnig akong sumisigaw.

We've only had small talks so far. I guess she's not really good at talking too. Nabanggit kasi ng may-ari na talagang hindi natatagalan ng ibang rumerenta ang room ko ngayon dahil natatakot sila kay Polly.

"May ice cream sa ref," tawag pansin ni Polly sa akin pagkapasok ko. Nakasampa siya sa sofa at nanonood ng The Ring. But of course.

"Thanks," tipid na sagot ko. Kumuha ako ng ice cream ko saka umupo sa maliit na kitchen island. Ilang araw ko nang sinusubukang maghanap ng trabaho at sana ni isa sa mga inaplyan ko ang kumuha sa akin.

Napabuntong-hininga ako nang maalala ko si Yeoji at ang buong Anarchs. Akala ko ay magiging madali lang na bumalik sa dati. Pero ano nga ba ang dati? Hindi ba't kaya ako tumakbo ay dahil ayaw ko nun? Agh! Nakakainis! Ginugulo parin niya ang isip ko!

"May problema ka Ardyne Ian?" baling ni Poly sa akin. Inayos niya ang kanyang bangs. Madalang ko lang talagang makita ang mga mata niya.

"Nothing," I mumbled. Ano ba ang itsura ko just now?

"Tungkol ba ito sa Anarchs?" sabi niya bigla. Agad akong napatayo.

"Kilala mo sila?" hindi makapaniwalang sabi ko. Again, how small is this world? O baka naman isa siya sa mga fangirls?

"Ex ko si Senric. Kababata ko si Dylan. We were friends once," malamyang sagot niya.

"Ah..."

"Ikaw 'yung kasama nila sa recruitment, tama? Ang ipapalit sana nila kay Chloe?" She sounded pissed just now.

"Nandoon ka?" lumapit ako at tumabi sakanya.

"Sumilip lang. Hindi nila alam na nandoon ako," aniya habang nakatitig parin sa TV.

"Ah, okay."

"So, sino sakanila? Kendal, Drake, Yeoji o Lawrence?" tanong niya naman ngayon.

"May problema ka ba sa akin?" naiinis na tanong ko tuloy.

"Wala," tiningnan niya ako saglit. "Basta mag-ingat ka," dagdag niya.

"I'm done with them." Tumayo ako at dumiretso sa kuwarto ko. What's the deal? It's like they're in every direction I go. Isang buwan nalang ang naiwan para sa summer vacation. Maybe all of this will just pass, just like the seasons.

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon