Chapter 29

5K 140 23
                                    

ARDYNE IAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARDYNE IAN

This is driving me insane. I ran away again and if I continue this, when will it stop? But I'm really scared. What was that? Why are they kissing?

Nasa may bandang parking lot na ako nang makasalubong ko si Kendal at Nicky. I just want to get out of here.

"I was officially rejected. Mauuna—" napahinto si Nicky. Nilapitan niya ako ng husto. "Bakit ka umiiyak?" tanong niya.

"Kendal, nagkabalikan ba si Chloe at Yeoji? Tanga ba si Yeoji? Niloko siya ni Chloe dati 'd iba?!" Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.

"Calm down. What happened?" seryosong tanong ni Kendal.

"They were kissing. Freaking kissing." There it goes again—the waves of pain.

"Wait here," ani Kendal bago umalis at tumungo sa direksyon na pinanggalingan ko.

"Let's go home. Sigurado akong kaya ni Polly ang sarili niya. I'll got her number, I'll just text her," aya ni Nicky sa akin nang makaalis na si Kendal. Tumango ako.

For the first time, hindi ko nakontrol ang sarili kong emosyon. Wala e, kumawala nalang talaga. Hindi ko naman kasi inasahan na ganito pala kasakit.

It feels like someone punched my heart.

Habang naghihintay kami ng taxi ay dumating si Polly. Nag-text daw si Kendal sakanya. Dumiretso kaming tatlo sa boarding house. Dumaan pa nga muna kami sa 7-11 para bumili ng beer.

Mabuti nalang at natigil na ako sa kakaiyak.

Hindi nila ako pinilit na magkuwento kanina kaya si Polly nalang ang nagsalita. Sinabi niya na gusto niya lang mang-asar ng ex kaya siya pumunta sa ball.

We've been drinking for quite some time now and I think the alcohol is going straight to my brain.

"Earlier, I've been trying to tell myself that there's no starting over without finding closure. Nakausap ko ng husto si Drake kanina, kahit saglit lang. I felt relieved that I tried my best. Ardyne, ikaw?" iba bigla ni Nicky sa usapan. We were just talking about our schools just now.

"Hindi ko siya nakausap. Naghahalikan nga sila, 'di ba?" naiinis na sagot ko tuloy.

"Nakita mo ba ng malapitan?" tanong ni Polly.

"Sana nga kinuhanan ko pa ng litrato para kapag bumibigay na ako, may magpapaalala sa sarili ko na mali...as in mali talaga..." Badtrip na badtrip talaga ako at sakanila ko na tuloy naibabaling.

"Uhm, kasi kakatext lang ni Kendal sa akin. Dinala daw nila si Yeoji sa ospital. Ang taas daw ng lagnat niya at delirious pa. Hinahanap ka daw ni Yeoji habang tulog," ani Polly.

Agad kong inagaw ang phone niya. Shit, what?

Napatayo ako at agad akong tinamaan ng hilo kaya napasampa din ako pabalik sa sahig.

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon