Chapter 44

3.8K 94 2
                                    

ARDYNE IAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARDYNE IAN

Sobrang sakit ng ulo nang magising ako. Lalo pa akong naalarma nang mapansin ko na wala ako sa dapat na room ko!

"What the hell..." I started to mumble. I'm wearing someone's shirt. A guy's, for sure—sobrang laki at haba kasi, halos umabot na sa tuhod ko!

Tumayo at lalabas na sana mula sa room nang may mapansin akong nakatayo sa may balcony at nagyoyosi. Oh shit, what the hell did I do last night?

Pasimple kong sinilip kung sino ito.

"DRAKE?!" Tinakbo ko siya at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Holy crap, you scared me! Some more push and I might've fallen down!" sigaw niya. Agad ko siyang binitawan. Shit, don't tell me I hooked up with Drake? Please, no!

"Anong iniisip mo? Bakit parang masusuka ka?" tanong niya. Inabot niya sa akin ang kanyang yosi. I grabbed it and took a deep puff.

"Why am I here? Your... room?" alanganing tanong ko.

"Lasing na lasing ka nga kagabi? This is interesting. No, this is Yeoji's room. Ibinigay niya sa akin ang keycard bago siya umalis kaninang madaling araw. He said I should check you from time to time. Baka raw masuka ka habang tulog. You did not by the way. I babysat you the whole night!"

Kumunot ang noo ko. "Si Yeoji ang nagdala sa akin dito? At nagpasuot sa akin ng T-shirt na ito?" Itinuro ko ang damit ko.

"Maybe. I don't know. You were wearing that when I came. Or...baka hiningi mo sakanya," aniya sabay ngisi.

"I'm seriously asking because—" Napahinto ako. May ilang bagay akong naalala sa mga nangyari kagabi.

"What?" he asked.

I let out a bitter laugh. Wow, Yeoji kissed me and then he just left? It's as what Hannah said. I got carried away. It's all of those damn nostalgic feelings. Also, I blame the freaking Vodka!

"Ardyne?" Kumaway si Drake sa harapan ko. Humithit ako mula sa yosi.

"Wala. I got to get going. My flight is in three hours."

"Wait." Humarang si Drake sa daanan.

Isa pa 'tong si Drake e. Alam niyang gising ako that time sa beach tapos itatanong niya pa kay Yeoji ang mga bagay na 'yun?!

"Uh oh, mukhang amasona mode na," aniya.

"Get out of my way."

"Only if you tell me what's going on."

"Tell you? Fine. Remember when I desperately asked you to help me track Yeoji before? You said you don't know anything. I get it that he's your friend but so was I. I truly am sorry that Yeoji had to go through all that. But..."

"But? Hindi pa ba sapat ang paliwanag na ibinigay niya sa'yo? What's this anyway? I seriously thought that this was just closure between the two of you. We had to protect you both. Kung nalaman mo na ganoon si Yeoji dati, what will you do? Wait until he recovers? Go to him? Will you trade it with what you have now? If you met Yeoji during those years, you would've left him. I know, because I almost did."

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon