Chapter 45

5.6K 171 45
                                    

ARDYNE IAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARDYNE IAN

Two days ago, before this— Yeoji coming to my flat— I gave myself an ultimatum. Sinabi ko na bibigyan ko ng second chance si Yeoji kapag siya mismo ang unang lumapit sa akin, paglapitin kami ng tadhana o na kung makita ko na talagang sincere siya. To be fair, I had a lot of drink with Cad that time. In fact, nasa harap ko pa nga si Cad nang pinagsasabi ko ang mga 'yan.

I know I said I'm done with them. But the thing is, hindi ko makalimutan ang halikan namin sa Palawan. Kaya naman, mukhang hindi na nagdalawang isip si Cad na iwan si Yeoji sa flat ko.

"I just want you to be happy," sabi ni Cad.

"Do I look unhappy?" medyo naiinis na tanong ko. I am not prepared for this!

"Not unhappy per se...but it seems like hindi rin naman siya mawala-wala sa isip mo. Just now, when I said Yeoji is here. Your face brightened for a bit. Alam kong natatakot ka. But you are no longer kids. He might not be the same person you knew before. Isa pa, I think you're the one here who's so hung up with the past kaya hindi ka makapag-open up ng husto sa ibang guys. Right?"

She gave me a quick hug. "Akyat ka na. Papunta na si Jet para sunduin ako."

Hindi na ako nakapag-protesta. Iniintindi ko parin kasi ang sinabi niya. Tuloy, ilang minuto pa akong nagpabalik-balik ng lakad sa labas ng flat ko. When I finally went it, I almost cried when I heard him scream those words in his sleep.

He must still be hurting. I want to know why he's like this... Tama si Cad, hindi siya ang Yeoji na nakilala ko noon. Lalo akong napaisip. It's not that I still love him. But the feeling of nostalgia keeps on hitting me. The memories are always hanging over my head.

And now, just as Yeoji said—he kissed me, moved here and by Monday, he'll start working for Cresent Air this Monday. Of course I can see what he's doing.

Natakot ako na masyadong mabilis ang lahat. Natatakot ako na mag-breakdown ulit siya bigla at iwan ako. Sigurado kasi ako na ang laki ng posibilidad na mahulog agad ako sakanya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ang dali. Maybe because when I had no one, he was there. My life chanced because of him. He helped me build my wings. I climbed high because of him. Although, halfway through he let go. He became my downfall as well.

Am I just overthinking? Am I just creating the drama? Should this be easy? Should I just give in?

***

Sunday ngayon pero tinawagan ako ng boss namin. He want me to go to the office for something urgent. Umuulan parin pero hindi na kasing lakas ng kahapon. Napatigil ako saglit sa harap ng unit ni Yeoji.

Mukhang hindi pa dumating ang mga gamit niya. I did not hear anything outside earlier. Parang may magbubukas ng pinto kaya agad akong tumakbo papunta sa may hagdanan. That was close.

Halos walang tao sa HQ ng Cresent Air nang makarating ako. Ako lang ba ang ipinatawag? Oh my God, may nagawa ba akong mali?

Kinabahan tuloy ako.

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon