Chapter 6

6K 143 2
                                    

YEOJI DALE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

YEOJI DALE

"Iho, dating order ba?" tanong ni Sir Tony pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng restaurant nila.

"Opo," tipid na sagot ko bago ako umupo sa may upuan malapit sa pintuan. Inaantok na ako dahil sa ininom namin ni Chris, Sen at Dylan na tequila kanina. Nauna nga lang akong umalis dahil sumama sa grupo namin ang ilan sa mga classmates nila noong middle high.

Walang masyadong tao dito sa restaurant kapag ganitong mga oras. Karamihan ay mga tenants ng building din ang bumibili ng pagkain dito, kagaya ko. Hindi ko agad napapayag si Ma dati nang sabihin ko gusto kong humiwalay mula sa bahay at tumira dito sa apartment building na pagmamay-ari ni Tito Ferd, stepdad ko. Ang layo naman kasi ng bahay namin mula sa school at sa loft na tinatambayan namin. Siyempre, ginawhan ko ng paraan. Palagi akong nagpapa-late sa school kaya naman napapayag ko sila. Buti nalang din at sinuportahan ako ni Tito Ferd.

"Heto na iho." Inilapag ni Sir Tony ang pagkain sa mesa. Hindi nga lang siya umalis agad at panay ang titig niya sa labas. Napatingin tuloy ako sa tinitingnan niya. May isang babaeng naka-beanie na nakatayo sa tabi ng street light.

"Hanggang ngayon ay nandoon parin ang batang 'yon. Dalawang oras na yata siyang nakatulala sa kawalan." Napa-iling si Sir Tony.

"Baka may hinihintay lang ho," sagot ko. Umayos ako ng upo at nagsimula nang kumain.

"Siguro nga. Oo nga pala, iho. Tumawag si Ma'am kanina at hinahanap ka. Hindi raw niya macontact ang cellphone mo," baling sa akin ni Sir Tony.

Agad akong napahinto sa pagkain. Shit! Oo nga. Siguradong kapag hindi ako nakapagreply agad kay Ma, pupunta siya dito o 'di kaya ay baka hahalughugin niya ang sulok siyudad. Isa kasi 'yun sa kondisyon niya ngayong mag-isa akong nakatira dito.

Tumayo ako agad at tumakbo paakyat sa fourth floor. Medyo nahihilo pa ako kaya parang masusuka na ako nang makarating ako sa unit ko. Dinampot ko ang landline at tinawagan agad si Ma.

'Why can't I contact you?' tanong niya agad. Kalmado ang boses niya pero sa tingin ko ay nasa loob siya ng ospital kaya't hindi siya makasigaw.

"Nasira kasi," sagot ko agad. Tumungo ako sa may bintana at binuksan iyon para makalanghap ako ng sariwang hangin. Shit, masusuka na yata ako.

'Nasira? Wala pang isang buwan ang phone mo, Yeoji!' Medyo tumaas ang boses niya. Patay!

"Ipapaayos ko agad sa nakasira, Ma. Gagamitin ko nalang 'yung luma kong phone. Nandito pa naman sa akin." Napatingin ako sa may street light. Nandoon parin ang babaeng tinitingnan ni Sir Tony kanina.

'Okay. I'll be busy for the rest of the month so I'll just text and check you regularly. Stop making things that will worry us, anak. I'm hanging up now. Go to bed.'

"Good night, Ma." Ibinaba ko ang tawag. Ibinalik ko ang tingin ko sa baba. May tatlong lalaking lumalapit sa babae. Sila ba ang hinihintay niya? O napagtritripan na siya? Bakit parang estatwa parin ang babaeng 'yun kahit na kinakausap na siya ng grupong 'yon?

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon