Chapter 5

9.1K 227 13
                                    

ARDYNE IAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARDYNE IAN

"What happened to Nicky?" tanong ng teacher na lumitaw sa harapan naming lahat. Sa ngayon ay nagsisitakbuhan na sa back gate ang buong Anarchs.

"N-nadapa po si Nicky!" sigaw ni Candy, classmate ko. Napaawang tuloy ang bibig ko. 'Yung nagsalita kasi ay isa mga palaging kasama ni Nicky.

Tumungo si Sir para kunin at buhatin si Nicky. "I'll bring her to the clinic. Please resume to your practice," saad ni Sir bago niya tinahak ang daan papunta sa kabilang building.

"Ardyne, bakit ang sama ng tingin nila sa'yo?" bulong ng katabi ko. Hindi ko napansin na nandito na pala si Hannah. Mukhang hindi niya nakita ang ginawa ko kanina.

"Anong klaseng babae ka naman daw? Amasona?" baling ni Candy sa akin. Nagbulungan ang mga iba pang nakapaligid sa amin. Bakit hindi nila sinabi na sinuntok ko si Nicky? Parang mas nakakatakot ito. Mas gugustuhin ko pang maipunta sa guidance office kaysa sa harapin ang 'Anarchs following' na 'to.

"Hindi ka namin isinumbong dahil sa Anarchs. Kilala mo ba sila? Paano? Totoo bang ikaw ang bagong girlfriend ni Drake? Bakit hatak-hatak ka ni Yeoji kanina?" sunod-sunod na tanong naman ng katabi ni Candy. Ugh, sabi na nga ba at ito ang dahilan!

"Pinagtritripan lang nila ako. Hayaan niyo, sa susunod na pagtripan nila ako, ipapasabi ko na kayo nalang," pabalang na sagot ko. Aba, parang nagliwanag ang mukha nilang lahat. Seriously?!

"Ardyne, kunin mo ang number ko. Hayaan mo, walang magsusumbong sa'yo," nakangiting sabi ni Candy.

"Ako rin, kunin mo ang number ko!" sunod ng isa hanggang sa lahat na sila ay nagsasabi na i-save ko ngayon na ang mga number nila. I had to make a quick choice that's why I took all of their numbers—as long as they shut their mouths. Bigla ko kasing naisip na any second, puwedeng masira ang mga plano ko dahil sa pagsuntok ko kay Nicky.

Nag-resume ang practice namin na wala si Nicky. Pagdating ng break ay sumilip ako sa clinic. I-blablackmail ko nalang yata siya. May isang araw kasi na nagpaalam si Nicky na manonood lang siya ng sine pero pag-uwi niya ay lasing na lasing siya. Binayaran niya ako ng isang libong piso para hindi ako magsumbong. Siyempre, tinanggap ko ang suhol niya at hindi narin nagsumbong. Ni hindi pa nga niya yata maalala 'yun e. Para safe, vinideo ko siya habang pasuray-suray na pumasok sa CR at nagsuka. I still have leverage!

"Nasaan ho si Nicky Sandoval?" tanong ko sa nurse na abalang nagsususalat sa may desk niya.

"Sinundo siya ng nanay niya kanina," sagot niya nang hindi tumitingin.

"Kanina pa po ba?" aligagang tanong ko. Shit, lagot ako kapag nagsumbong siya kay Tita Margaret. Siguro naman ay hindi kaya ng pride niyang aminin na ipinahiya ko siya sa buong klase namin at lalo na, sa harap ng pinakakamahal niyang Anarchs.

"Around thirty minutes nang dahil siya dito ng teacher ninyo ay sinundo siya ng nanay niya. Ipapa-X-ray daw siya sa ospital.," paliwanag ng nurse.

"Sige ho, salamat." Lumabas ako at tumakbo agad sa classroom. Kinapa ko ang cellphone ko. May isang message si Tita Margaret sa akin.

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon