Chapter 22

6.2K 163 17
                                    

YEOJI DALE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

YEOJI DALE

Halos sabay na nagring ang phone namin ni Kendal.

"Dylan," sabi ni Kendal sa akin bago niya sinagot ang tawag. Halos malapit na kami sa gym. Kagagaling ko lang sa office ni Ma dahil ang sabi niya ay may importante kaming pag-uusapan pero naghintay ako ng halos kalahating araw pero 'di siya dumating. Na-delay daw kasi ang flight niya pabalik. I didn't even know that she was out of the country. What a good kid am I. Sa huli, hindi ko rin siya nakausap. Hindi ko rin naman puwedeng pabayaan si Amasona ngayon.

"Stop driving," seryosong utos ni Kendal sa akin. Kumunot ang noo ko. Nakatitig siya sa manibela at parang gusto pa niya itong agawin sa akin. Dinaanan ko si Kendal kanina sa bahay nila.

Tanaw ko na ang entrance papunta sa gym.

"Malapit na kami," sabi ni Kendal sa kausap sa phone.

"Problem?" tanong ko habang ipinagigilid ang sasakyan. Bubuksan ko sana ang phone ko pero bigla ba naman itong inagaw ni Kendal.

"What the fuck, dude? Anong problema?" react ko. Pasado ala-una na at baka parang timang si amasona sa loob. Nandoon naman si Drake pero...

Pero...

Bumaba ako ng sasakyan at agad din namang sumunod si Kendal para pigilan ako.

"Change of plans, Yeoj. Masyado raw maraming uninvited na tao sa gym. Kita-kita nalang daw tayo sa loft. Huwag kang mag-alala, isasabay nina Drake si Ardyne," nagmamadaling sabi niya.

"Shit, ganoon? Nandito nalang din tayo, sumabay na tayo sakanila. Sa back exit nalang tayo dumaan," sagot ko at nagsimula na ulit maglakad.

"Teka!" saway nanaman niya. Tumapat siya sa akin.

"Ano ba talaga ang problema?" naiinip na tanong ko.

"Kaya kita pinipigilan ay dahil sinabi ni Drake tawag niya na nakaalis na sila at sumunod nalang tayo," sagot niya. Lalong kumunot ang noo ko. He's fucking lying. Dylan's the one who called him.

Something's up and they want to leave me out. O baka naman tungkol ito sa akin? Kay Ardyne? What? I need answers.

"Yeah? Sige, pero saktong may dapat din akong kunin sa lounge," sagot ko nalang. Guhit sa mukha niya ang frustration.

"Nandoon si Chloe at ang grupo ni Lawrence. Handa ka bang harapin sila ngayon?" sabi niya rin sa wakas. Walang dumadaang sasakyan at medyo mahangin ang paligid—na siyang naririnig sa ilang minutong katahimikan mula sa amin.

"I guess that's a no kaya umalis na tayo. Susunod din sila," sabi ni Kendal sa wakas.

"Ah, nandoon pa nga talaga sila. Kung ganoon, kagaya ng sinabi ko kanina...may babalikan ako sa lounge. She's not used to this kind of thing," sagot ko habang naglalakad.

"Ardyne? You might be underestimating her." Sumabay siya sa akin sa paglalakad at buti nalang 'di niya ulit ako pinigilan. Kung nagkataon, tatakbuhan ko talaga siya.

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon