Chapter 20

6.5K 167 9
                                    

ARDYNE IAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARDYNE IAN

Talagang sineseryoso ko ang patungkol sa recruitment ng Anarchs. I want to do it properly. I want in not because they rigged it but because I somehow 'deserve' the spot. Isa pa, naiirita lalo kapag nag-aaway kami ni Yeoji.

Binilisan ko ang pag-akyat pero bago pa ako makarating sa tapat ng unit ko, tinawag ni Yeoji ang pangalan ko kaya huminto ako.

"Kain ulit," aniya. Hindi ako lumingon pero hindi rin ako umalis sa kinatatayuan ko. I wish I could go back to that moment earlier when everything seemed peaceful.

Then again, what?!

"Oo nga, sabayan mo na kaming kumain," sabi ni Kendal. Hinintay ko silang makalapit sa akin. Sobrang gusot-gusot na ang hawak kong papel. Why am I so pissed?!

"Tapos na nga tayong kumain kanina, 'di ba?" baling ko kay Yeoji. Binigyan niya ako ng 'umayos ka' look. To be honest, parang wala akong paki-alam na Anarchs din itong kasama namin.

I was telling the truth when I said I'm doing this for Yeoji— most of it though is for my personal gain. Ang gulo na ng nasa isip ko. Tama naman ang dalawa pero bakit parang may lumalamang na?

"Wow, breakfast in bed ba—" simula ni Kendal pero bago pa niya matapos ang sasabihin ay pinaghihila na siya ni Yeoji hanggang sa tapat ng unit niya. Nang mabuksan niya ang pinto ay pumasok silang dalawa.

Napabuntong-hininga ako. Seconds later, lumabas si Yeoji. He closed the door behind him.

"Huwag ka nang masyadong mag-alala para sa recruitment. You're good as you are," aniya.

"Sure, rigged nga 'di ba?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Yeah, that's one thing. Pero...tsk, pinipilit ni Kendal na samahan mo kami. TG's food is great, c'mon. You like free things, don't you?" nakangising sabi niya.

"Fine, fine," bigay ko rin. Isa pa, malay mo, mabanggit ni Kendal kung sino 'yung Ellen na binanggit ni Landlord kanina.

Oh, is that one of the reasons why I'm so pissed?

Nakahanda na sa mesa ang mga pagkain nang makapasok kami ni Yeoj. Kendal looked fresh and handsome after he showered. Medyo naamoy ko parin nga lang ang alak.

Patawa nang patawa si Kendal kaya hindi kami makakain ng husto. Nakakagulat nga na para kaming mga magkakaibigan na sobrang close. Wala akong ideya sa kung paano magkulitan ang mga magkakaibigan sa tuwing kumakain sila pero mukhang ito na nga ang pakiramdam—nakakagaan sa loob.

***

Bumalik ako sa unit ko para maligo narin at mag-ayos habang ang dalawa naman ay nasa veranda at nagyoyosi. Kadalasan ay isinusuot ko lang una kong makita sa cabinet ko pero sa pagkakataong ito, naka-ilang sukat at palit ako bago lumabas!

"She's still a girl after all. Almost an hour para maligo hanggang magpalit!" bunyag agad ni Kendal pagkabukas ko palang ng pinto ko.

"Naghihintay kayo sa tapat ng pinto ko?" tanong ko naman agad. Yeoji snickered.

HEARTSTRUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon