Chapter 2 Ang Babaeng Mangbubudol

36 4 0
                                    

(Japaneese song intro)

Doraemon Theme Song lyrics
konna koto ii na
dekitara ii na
anna yume konna yume ippai aru kedo
minna minna minna
kanaete kureru
fushigina POKKE de kanaete kureru
sora wo jiyuu ni tobitai na
(hai! takekoputaa!)
AN AN AN
tottemo daisuki
DORAEMON

     Umay na umay na ako sa paulit-ulit na kanta ni Doraemon, paboritong kanta daw kasi ito ng guest namin.

       Nakahilera kami ngayon ng mga kasama ko na tulad ko din ay na-hire ng contact ni Laarni. Apat kaming mga babaeng mag-eentertain ng mga Hapon. Panay hatak ko ng maiksing laylayan ng suot kong kimono. Hindi talaga ako mapakali sa suot ko. Ano ba 'to?

      "Sis sigurado bang mag-eentertain lang tayo ng Hapon? Kinakabahan kasi sa itsura natin parang masama kutob ko." Tanong ko sa katabi kong mukhang nene pa.

      "Ang sabi kasi aasikasuhin lang natin yun mga VIP guest habang kumakain sila naka table din tayo." Sagot sakin ng babaeng na parang nasa disisyete anyos lang.

      "Nakatable? Paano kung may kasamang alak na iinumin tapos malasing sila at gawan tayo ng masama." Apila ko.

     "Mga mars kung may gawin man sating masama yun mga Hapon ang isipin niyo na lang kikita tayo ng malaki. Tuturuan ko kayo para bigyan kayo ng maraming lapad ng mga hapon." Huminto ang babaeng sumingit saming usapan at bigla na lang itong pumikit sabay aktong tila nakikipag kuwan.

       "Yamate, yamate yayaman tayo teh. Yamate, Yamate yayaman tayo." Sabi ng naturang babae na ipinapapaling-paling pa yun ulo.

       Narimarim ako sa itsura ni Ate kaya naman umatras na ko sabay sabi ko nang "Ayaw ko na hindi na ko tutuloy."

        Patungo pa lang ako sa pintuan palabas nitong maliit na pasilyo. Bigla akong hinarangan ng babaeng nag-asikaso samin kanina ng aming susuotin.

        "At saka pupunta balik ka roon." Sigaw niya sakin.

        "Madam Rose lily, hindi na po ko tutuloy ibabalik ko na lang po yun paunang bayad niyo sa serbisyo..."

      Hindi pa man ako nakakatapos magsalita nang bigla akong kaladkarin ni Madam Rose Lily.

       "Anong aatras bumalik ka doon nakakumpirmiso na ko sa may-ari nitong restobar kaya balik." Giit ni Madam Rose Lily.

       "Madam nasasaktan po ako. Ayoko na po gawin yun pinatatrabaho ninyo sakin." Pagpupumilit ko.

      "Matigas din ang ulo ng isang to ah. Kayo pag hindi kayo umayos malalagot kayo sa lider ng mafia na nandyan na sa loob. Hala sige pasok sa loob nandiyan na yun mga guest." Pagkasabing 'yon ni Madam Rose Lily ay binuksan ng mga lalaking alalay niya ang kuwarto kung saan kami nakahilera.

      Japanesse ang tema nitong restobar kaya naman pagbukas ng kuwarto ay nakita namin ang mga dekorasyon sa loob na akala mo ay na Japan kami. Ipinagtulakan pa ko ni Madam Rose Lily para makapasok lang ako sa loob.

     Apat na matatabang hapon ang bumungad samin na nakaupo sa mababang table sa sahig. Ngumiti sila  samin na halos mawala na ang guhit ng mga mata nila dahil silay mga singkit at sobrang umbok ng kanilang mga pisngi. Sobrang tataba nila.

   
      "Konbanwa!" bati samin ng mga hapon.

      "Magandang gabi!"

       "Konbanwa." Sagot naman ng mga kasama ko maliban sakin na namomoblema sa kinasapitan ko.

       "Hoy ikaw umayos ka, magbigay galang ka sa mga guest kung hindi ibibigay kita sa mga Yakuza." Bulong sakin ni  Madam Rose Lily.

       "Ko...konbanwa." bati ko na halos ayaw bumuka ng bibig ko.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon