chapter 6 The Agreement

29 4 0
                                    

Nagising si Melanie sa sobrang ginaw ng kuwarto. Pagmulat ng kanyang mga mata namangha siya sa sobrang ganda ng kuwarto. Very unveiling at stylish ang design ng pagkakagawa ng kuwarto. Mapapansin sa loob ng kuwarto na  woodcraft ang tema ng design gaya ng nightstand, cabinet at pati ang kamang may napakalambot na foam.

      Off white at dark grey ang pattern ng mga kulay ng dingding maski kobre kama, kutson at carpet. Sumasalamin ang kulay na offwhite sa pagiging sophisticated, very meticulous sa lahat ng bagay at dark grey naman sa pagiging manly, strict, goal-achiever, mysterious na ugali ng may-ari ng condo. Very pleasant sa paningin ang pattern ng kulay ng kuwarto na tipong kahit sino ang makapasok doon ay gugustuhing magpahinga maghapon.

       Ngunit walang epekto yun kay Melanie na isang madiskarte at kilabot na isnatcher, manbubudol na taga looban sa iskwater area.

        Inalala ni Melanie ang nakalipas na gabi, natandaan niya bago siya mawalan ng malay ay naghahanap siya ng makakain. Sa totoo lang ay naglalaban pa ang antok at pagkalula ni Melanie sa mga nakikita niya sa kuwarto. Bigla niyang naaalala na nagbabaka sakali siyang makatakas kahapon. Kaagad na lumundag mula sa kama si Melanie at tinungo ang pinto. Naalala niyang parehas ang doorknob ng kuwarto at pintuan ng condo.

       Pagkabukas niya lalo pa siyang natulala sa ganda ng loob ng condo. Palibasa kasi may ilaw na at may tumatagos na sikat ng araw sa mga glass window.

       Nakarinig siya ng ingay mula sa kusina. Dahan-dahan siyang nagtungo upang alamin ang taong naroon. May pangamba pa rin si Melanie sa buhay niya kahit lumipas na ang gabi na wala naman masamang nangyari sa kanya. Maliban lamang sa malipasan siya ng gutom.

       Pagpasok niya sa kusina tumambad sa kanya ang lalaking nakatalikod na hubad. Napasigaw siya nang mawari niya ang gingawa na lalaking tila nagsasariling sikap.

      Tumakbo siya papunta sa pinto upang tumakas. Himalang nagbukas ang pinto ngunit sa paglabas niya ay hinarangan siya ng mga lalaking nagbabantay sa kanya magmula pa kahapon.

      "Miss bawal po kayong lumabas."saad ng isa.

      Walang nagawa si Melanie nang bahagyang naitulak siya paloob muli ng condo.

      "Huwag kang lalapit!" Sigaw niya sa lalaking nakahubad baro at may hawak na tumbler.

       "Puwede ba kumalma ka. Kung ano man yun iniisip mo hindi ko gingawa yun. Marumi utak mo." Paliwanag ng napakaguwapong lalaki sa kanya.

        "A...anong ginagawa mo dito?! Huwag kang lalapit binabalaan kita!" Banta niya sa lalaking takang taka sa ginagawa niya.

        "Ano bang problema your here in my unit at ang dami mong sinirang gamit ko." Sabi sa kanya ng lalaki.

 
         Pinagmasdan niyang mabuti ang lalaki. Napaka well defined ng mga muscles nito sa buong katawan. Makinis , malinis sa katawan at kung titingnan lang ay mukhang napakabango nito, parang naka johnson's baby powder.

        
        Hindi pinansin ni Melanie ang mga pagrereklamo nito sa kanya. Kagabi daw ay nagpatawag na ito ng maintenance para ayusin ang ilang nasirang bahagi sa condo niya. Nabaling  ang tingin niya sa sliding glass door at nagpasyang tumakbo papunta roon.

      Balak niyang tumalon sa terrace para tuluyan na siyang makatakas.

      "Hoy babae ka, magpapakamatay ka ba?" Tanong ng lalaki sa kanya.

       "Ano ba bitawan mo nga ko! Epal ka talaga!" Singhal naman niya sa lalaking nakapulupot ang mga braso sa baywang niya.

        Parang pusa si Melanie na nakakapit sa grills ng teracce, Si Razzo naman ay walang balak n bitawan si Melanie dahil kung bibitawan niya ito ay tiyak na paglalamayan bukas.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon