Chapter 32 Torn Apart

30 0 0
                                    

From chapter 17 of Fuckboy Desire 'My Girlfriend is a Freak Doll'

Kasalukuyan kaming nakasakay sa tinatawag niyang roller coaster.

"Ang saya!!!" sigaw ko.

"What the fuck, Shit!!!" sigaw ni Razzo. Nang bumubulusok paitaas, paibaba at umiikot ikot pa ang sinasakyan namin.

Sigaw ng sigaw si Razzo halata sa mukha niya ang takot at saya. Pero ang kapansin pansin sa kanya ay ang pamumutla niya.

Wala siyang tigil sa kakasigaw habang umaandar ang roller coaster, wala naman akong tigil sa pagtawa habang pinapanuod ko siyang sumisigaw. Hinawakan ko ang kamay niya para kumalma siya ngunit patuloy pa rin siyang sumisigaw. Natigil lamang si Razzo nang huminto na sinasakyan namin.

"Pambihira, bakit parang wala lang sa iyo yun roller coaster. Hindi ka man lang natakot o nahilo?"

Habang sinasabi yun halata kong nagbabalanse sa paglalakad si Razzo. Bigla siyang nagtatakbo sa cr ng theme park para sumuka.

Sukas siya ng suka. Naawa tuloy ako sa kanya na kanina ay pinagtatawanan ko habang nakasakay kami doon sana pala hindi na kami sumakay. Mapilit naman siya kanina na sumakay ng roller coaster.

Hinihimas ko ang kanyang likod habang patuloy siyang sumusuka. Mabuti na lamang at walang ibang tao sa cr ng pang lalaki kaya nakapasok ako.

"Pasensya ka na Razzo amg sabi mo kasi ay mamili ako ng sasakyan natin , hindi ko naman alam na mahilohin ka pala. Kailangan mo ba ng gamot sa hilo?" tanong ko.

Umiling lang siya at pagkatapos ay sumuka na naman. Nang matapos niyang sumuka ay naghilamos siya, mumog at naghugas siya ng kamay. Napakatagal niyang inayos ang sarili. Sa guwapo ni Razzo halata naman napaka maalaga siya sa sarili.

Kinuha niya ang panyo na inabot ko para ipangpunas niya. Halos mababad ang mga mata niya sa kakahilamos. siguro ay para mawala ang kanyang hilo.

Lumabas na kami ng cr nang matiyak niyang mainam na ang pakiramdam niya at tumigil na siya sa pagsusuka.

"Huwag mong itapon ang panyo ko."

Hiniwakan ko siya sa braso nang lumapit siya sa basurahan para itapon ang panyo.

"Bakit ginamit ko na ito eh?"

Kaawa awang Razzo namumutla pa rin ang mukha niya sa hilo dahil sa sinakyan namin. Lihim akong natutuwa sa namamalas ko sa kanya.

"Paborito kong panyo yan, at saka binigay pa sakin yan ni Ate Inday kaya dapat kong itago at ingatan."

"Palitan na lang natin ng bago."

Inagaw ko kay Razzo ang panyo at saka naupo sa isang mahabang upuan. Pagkaupo ko ay tinupi ko yun para itagong muli.

Tumabi sakin si Razzo sobrang lapit kahit na kami lang ang nakaupo sa mahabang upuan.

"Anong gagawin mo pa diyan sa panyo? nadumihan ko na yan malay mo may suka-suka ko pa yan? " tanong niya.

"E di lalabhan ko, importante sakin ito kaya bakit mo itatapon?" Baling ko sa kanya.

"Hindi ka ba nandidiri baka may suka ko pa yan?"

Sinulyapan ko si Razzo na naka de kuwatro pa ng upo.

"Bakit naman ako mandidiri eh, ikaw naman ang gumamit nito. Kung maghilamos ka kanina na akala ko di ka na matatapos kaya paanong malalagyan ng suka ito." Wika ko

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon