Chapter 48 Ang Babae sa Video

13 0 0
                                    


      Di inaasahan ni Razzo na darating ang kanyang kapatid na abogado sa hotel. Inaya siya ni Wesley na mag-usap sa isang coffee shop malapit sa pag-aari niyang hotel.

       "Alam kong importante sadya mo Kuya Wesley, what it is all about?" Tanong ni Razzo sa kanyang kapatid.

  
      "Huwag kang mabibigla sa ipapakita ko." Ilinabas ni Atty. Wesley ang kayang laptop upang ipakita ang isang video na nagkalat na social media.

    
      Isang babaeng duguan na kinakaladkad at basta na lamang itinapon sa isang ilog. Maririnig sa background na nagtatawanan pa ang mga lalaking salarin. May nakahiwalay pang video na pinagkakatuwaan si Lyka, pilit na pinatatakbo para habulin ng mga sasakyan.

      "No! Hindi totoo ito. This can't be true. Paano nangyaring si Lyka ito... Impossible!"

        Kaagad na nakilala ni Razzo ang babaeng na nasa video.

        Bagamat madilim ang lugar kung saan nangyari ang kahindik-hindik na krimen, ay naaninagan naman ang mukha ni Lyka ng liwanag ng flashlight na itinututok sa mukha nito.

        "No, paano nangyari ito? Imposible patay na si Lyka nung iwan ko siya sa Avarlone." Sambit ni Razzo.

   
       "Misteryo ang lahat ng ito. Kung sinasabi mong patay na si Lyka, well according sa mga kakilala kong IT expert this video taken 2 years ago. Hindi lang ma-trace ang source dahil corrupted na ang IP address."

       Nangnginig ang mga kamay ni Razzo habang nakatitig sa laptop, nang hindi niya kayanin ang sinapit ng kanyang pinakamamahal na diyosa ay isinara na niya ito.

        "What's the meaning of this? What's the real truth behind this Kuya? Na nabuhay pa si Lyka matapos ng ilang taong lumipas? Bakit hindi niya ako pinuntahan? Bakit hindi siya nagpakita sakin? Sino itong mga halang ang kaluluwang pinahirapan si Lyka?" Sunod-sunod na tanong ni Razzo kay Wesley.

        "Razzo it's hard to undestand what is all about Lyka. Yes, nasaksihan namin mga hindi kapani-paniwalang bagay kay  Lyka. Ikaw ang nakakakilala sa kanya ng husto. Kung ano ba talaga si Lyka. If she is not like us maybe matapos mo siyang iwan nabuhay pa siya." Saad ni Attorney Wesley.

      "Pero going back sa nasabi ko bakit hindi na niya ako binalikan Kuya? Kung nangyari ito 2 years ago, where did she stayed? Sinong binalikan niya dito?"

   
        "Ang hirap imbestigahan ng kasong ito. The only evidence that we have is this video. And it is not valid as proof of evidence. If we will back track everything wala naman nakaaway si Lyka di ba? Wala tayong mahahabol na tao para papanagutin ang mga taong gumawa nito kay Lyka."

        Attorney Wesley is a well known and a great lawyer. Lahat ng kaso ay naipapanalo niya as defense lawyer,  magaling siyang mag-interpolate kaya nailalahad niya ang katotohanang sa bawat kasong nahahawakan niya. Minsan na din siyang namuno ng Investigation Office kaya pagdating sa pagiimbestiga ay expert and knowledgeable na siyang maituturing ngunit sa kasong ito ni Lyka ay nahihirapan siya.

        "Look closely this video pamilyar sakin itong lugar." Sambit ni Wesley nang suriin niyang maigi ang video.

       Nagdadalawang isip si Razzo na tingnan muli ang video ngunit dahil sa sinabi ni Wesley na pamilyar sa kanya ang video ay napatingin na din si Razzo.

        "I know this place Kuya."

         Pagkasabing iyon ni Razzo ay napatayo para umalis. Tumayo na din si Wesley at mukhang alam na nila ang lugar ng pinangyarihan ng krimen.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon