Chapter 33 Tubig Lang Lang Pahinga

17 0 0
                                    


Warning this chapter contains mature content. Minors please refrain from reading this chapter.

Nagbigay na ko ng warning ha baka may super sensitive na naman na magco-comment.

Paalala ko lang title pa lang at book 1 nitong story nila Lyka at Razzo. Ganoon na character ng Male Lead dito.

      "Hoy! Magaling na lalaki saan ka nang galing? Hindi mo ba alam kung anong oras na?"

       Ito sana sasabihin ko nang dumating si Razzo sa unit niya. Ilang oras din akong naghintay dito sa unit niya. Pero napaka feeling asawa naman ako nitong guwapong lasing na nasa harapan ko.

        Umaalingasaw ang amoy ng alak sa katawan niya nang pagewang gewang siyang lumapit sakin.

       Naalala ko nga kahapon na malungkot siya. Tapos heto nakuha niya pang uminom. Nakakahawa ang kalungkutang nadarama na pilit kung iniisip kung ano ang dahilan.

        "Hi love bakit gising ka pa?"

        Pinagmasdan ko ang namumungay niyang mga mata dahil sa kalasingan. Mas lalong niyang ikinaguwapo na tila inaantok na.  Hinagod ko din ng tingin ang nakasabit sa balikat niya ang mamahaling branded na coat. Kaya naman hulmadong hulmado sa fitted niyang puting long sleeve ang kanyang matipunong katawan.

     
        "Teka ingat." Saad ko nang masalo ko siya nang tangkain niyang lumapit.

        Nawalan na talaga ng balanse ang katawan niya. Dahil doon ay maingat kong inalalayan siya hanggang sa maiupo ko siya sa sofa.

       Sabay pa kaming naupo sa sofa dahil nahirapan ako sa sobrang bigat niya.

   
        "Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya na siya naman  halos humilata na sa sofa.

       Tanging ungol lang ang narinig ko kay Razzo. Tiningnan ko muli ang mukha niya bago ko napagpasyahan punasan siya. Una ko na ngang inalis ang medyas at sapatos niya bago ko kumuha nang maipupunas sa kanya.

       Pagkabalik ko ay wala na siya sa sofa. Marahil ay nagtungo na siya sa kuwarto. Natagpuan ko siyang nakahiga sa kama. Nakalaylay pa ang mga binti at paa niya sa sahig.

       Pumasok ako sa madilim niyang kuwarto na tanging lampshade lang ang nagbibigay liwanag.

     

       Naupo ako sa tabi niya at pagkatapos ay inumpisahan ko nang punasan sa mukha niya. Habang pinagmamasdan ko ang napakaguwapo niyang mukha lalo tuloy akong na-i-in love sa kanya. Mahal ko na nga si Razzo. Handa na kong mahalin siya dahil napatunayan ko na sa sarili ko na mahal niya talaga ako.

       Binanlawan ko muli ang towel sa mangkok na may lamang tubig. Itinuloy ko ang pagpunas sa kanyang leeg. Naisipan ko na din na punasan ang dibdib niya kaya dahan-dahan kong tinanggal sa pagkakasara ang mga butones ng polo niya. Tumambad sakin maumbok at may buhok niyang dibdib.

       Ilang beses ko nang nakita ang pinaka sexyng bahagi ng katawan niya. Ilang beses ko na rin nakita ang buong kahubdan niya pero nanginginig pa rin ang kamay ko habang pinupunasan siya.

      Narinig ko siyang umungol, nagigising ata siya sa ginagawa ko. Kaya binilisan ko na ang pagpunas sa kanya. Sinunod ko ang mga braso niya habang pinupunasan ko siya.

      Bakit ka ba malungkot Razzo at nagawa mo pang uminom. Di mo na lang ako inaya para mag one-on-one tayo at least na-ishare mo pa sakin problema mo.

       May matinding problema ba pinagdadaanan mo? Kung mayroon man, ano naman kaya iyon.

      "Bakit ka malungkot? Nag-aalala tuloy ako sa'yo." Bulong ko habang hinahaplos ko ang pisngi niya.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon