Chapter 38 Reunion

9 0 0
                                    


        Ipinatawag kami ni Razzo ng Lay Naked Philippines para sa contract signing. Nais nga nilang akong maging ambassador ng kanilang brand na underwear. Kasa-kasama ko ang mga angels ko na sila Trish, Anna at Tiffany dahil pagkatapos ko daw pirmahan ang kontrata ay susukatan ako ng mga latest design ng mga bra at panty na imomodelo ko.

         Ang dinig kong chika ng mga marites worth 1.5 Million daw ang bagong ternong bra at panty na ilalabas sa merkado. At unang makikita itong kabogerang panty at bra na ito ay sa mismong gagawing fashion show.

        Biruin mo iyon 1.5 Million ang halaga ng underwear na iyon na sa kauna-unahang pagkakataon ay ako ang magsusuot. O di ba ang bongga ko. Pero naisip ko kung anong klaseng bra naman iyon na may ganoong halaga. May mga ginto, diyamante, umiilaw o de remote control? Iniisip ko pa lang ay nangangati na ang kamay ko na gusto ko na ngang dekwatin yun.

        Sa kakaimagine ko ng panty at brang  iyon ay hindi ko napansin na kinakausap pala ko ng jowa ko.

        Napahinto kami sa nilalakaran naming lobby para tawagin lang ang diwa ko na naglalakbay sa multiverse.

         "Love are you alright? Masama ba pakiramdam mo?" Tanong sakin ni Razzo habang naramdaman kong lalong humigpit ang pakikipag holding hands niya sakin.

         "Okay naman ako, wala naman akong nararamdaman na kung ano." Sagot ko pero sa totoo lang ay pinagpaplanuhan ko na kung paano dekwatin ang 1.5 million na halaga ng underwear na iyon.

         "You look pale? Didn't you put any make up today?" Tanong sakin ni Razzo.

         "Huh minake-upan ako ni Tiffany ang tagal nga eh. Di ba Tiffany nilagyan mo ko ng make-up?" Baling ko kay Tiffany upang sang-ayunan ako.

         Pagkatingin ko sa tatlo na nasa likuran ko ay para silang kinikiliti na ewan. Nang ibalik ko naman ang atensiyon ko kay Razzo naabutan ko itong sinesenyasan ang tatlo ng huwag maingay.

        Napakunot noo naman ako kung bakit.

          "I thought you are not wearing any make up kasi natural na natural ang ganda mo. Hindi mo na talaga kailangan mag-make up kasi sobrang ganda mo."

         Dahan-dahang umusli ang nguso dahil hindi ko maitago ang sobrang kilig ko kay Razzo. Bumabanat pala ang loko.

         "Ene be!  Kaenes ke ege-ege penekekeleg mo ko!" Wika ko sabay hampas ng mahina sa balikat ni Razzo.

        "E...e...e...e...e...e! Hihimatayin ata ako sa kilig sa inyo." Tili ni Tiffany na halos humandusay kanila Anne at Trish.

         "Bakla ano ba, umayos ka nga." Natatawang sabi ni Anne.

         "Nakakaloka ka talaga bakla. Ang payat-payat mo pero ang bigat ng katawan mo." Sabi naman ni Trish habang itinutulak patayo si Tiffany.

        Natatawa naman din kami ni Razzo sa kulitan nilang tatlo. Sa totoo lang napapasaya nila ako sa tuwing namimiss ko sila Inang at Itang pati na rin ang mga kapatid ko.

        Napatingin naman ako kay Razzo na naniningkit ang mga mata sa kakulitan ni Tiffany. Lalo siyang gumagwapo sa paningin ko. Samahan ng napakagaling niyang magdala ng coat o office attire. Kahit simpleng white  polo longsleeves lang ay napakaguwapo niya.

        Napatigil kami nang tumanggap  si Trish ng tawag sa telepono.

        "Girls, Sir Razzo, we need to go up now. Nandoon na po lahat ng kameeting natin with Lay Naked PH." Sabi samin ni Trish.

         Nakahawak pa rin si Razzo sa  kamay ko na tila parang ayaw niya akong mawala sa tabi niya. Sama-sama kaming sumakay ng elevator at nang masolo na namin ang buong pasilyo ay tinutukso tukso naman kami nila Tiffany at Anne. Natatawa lang si Razzo sa kanila. Pero nang papasok na kami sa  conference room ay sinabihan niya kamo na maging seryoso na sa meeting.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon