Chapter 8 Kuyukot

44 5 0
                                    

Matapos kong humikab at magkamot ng ulo ko. Hindi ko na tiningnan ang sarili ko sa salamin, dali-dali akong bumangon sa kama para magtungo na sa kusina. Nararamdam kong kinakain na ng malaking bituka ko amg ibang organ ko sa tiyan ko.


Hay! Gutom na naman ako.

Kailan ba matatapos itong pagdurusa ko? 'Yang Mr. Epal na yan akala mo hindi kumakain kaya pati ako ginugutom din. Kung magpahatid ng pagkain dito sa unit niya napaka kunti. Sosyal ngang tingnan yun pagkain pero kakarampot lang yun sineserve ng mga roomboy sakin. Nakakainis!

Pagdating ko sa kusina nakita kong nakaupo si Mr. Epal sa dati niyang inuupuan na high chair. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang likod niya na madaming pasa. Ano kaya nangyari sa kanya? Saan niya nakuha ang mga pasang 'yon?

Pagharap niya sakin mas lalo akong nabigla sa mga nakita. Mas marami pang pasa sa dibdib niya na may manipis na balahibo. Tadtad ng marka ang leeg niya na sigurado akong chikinini yun?

"Good morning, mabuti naman at gising ka na?" Salubong ang kilay ni Mr. Epal na nakasimangot pa.

Mukhang galit na naman ata 'tong lalaking to? Ang aga-aga.

Hindi ko matagalan ang napakatalim na titig niya sakin kaya umiwas ako ng tingin. Ibinaling ko ang paningin ko sa lamesang walang nakahandang pang-almusal. Uupo na sana ako sa isa pang high chair na dati kong inuupuan na nakaharap sa kanya.

"Pinapaupo na ba kita?" Masungit na sabi niya.

"Ha? Bakit parang bad mood ka ata ngayong umaga?" Nagtataka ako sa kanya.

"Ayos din ah, nagtatanong ka kung bakit bad mood ako today. Samantalang suot mo pa 'yan long sleeves ko." Sabi niya.

Kaagad kong kinapa ang katawan ko. Tama nga ang sinasabi niya. Suot ko nga ang puting polo na long sleeves niya na isinuot niya kahapon.

Napatakip ako ng bibig gamit ang dalawa kong kamay.

"Bakit ko suot ang damit mo?" Nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

Ano bang nangyari? Bakit ko suot ang damit niya at walang akong bra?

O hindi! Napapikit ako nang maisip kong may nangyari samin kagabi. Pero sa pagkakaalala ko wala naman nangyari samin kagabi. Pinilit kong alalahanin yun nangyari kagabi. Tiningnan ko ang mukha niya, para siyang nagliliyab sa galit. Nang yumuko para makipagtitigan sa sahig doon ko na lamang naalala lahat.

Napalunok ako ng laway. Parang nirolyo ng film ng pelikula yun mga naganap kagabi sa utak ko. Sa kahihintay ko sa kanya kagabi naisipan kong uminom ng alak. Hanggang sa namalayan kong may bumuhat sakin. Teka nananaginip ba ko nun. Tama nanaginip ako kagabi. Nasa isang lugar daw ako na di ko maintindihan kung anong lugar. Tapos nun nangangabayo ako habang may mga himahabol sakin.

Napalapit ako sa kanya bigla para humingi ng sorry. Malinaw na sakin na ako ang may kagagawan ng mga pasa niya sa katawan. Kinawawa ko siya kagabi.

"Sorry talaga hindi ko sinasadya naalala ko na nalasing ako kagabi. Nanaginip ata ako." Wika ko habang sinusubukan kong suriin ang mga nagawa kong pasa sa katawan niya.

"Dont touch me. Huwag kang lalapit sakin! Sino nagsabi sayong inumin mo yun mga wine na nakadisplay sa bar? Hindi ba kabilin bilinan kong huwag kang mangingialam ng personal kong gamit?"
Sinigawan niya ako sa tindi ng galit niya.

"Pasensya na talaga Si...Sir, hindi ko talaga sinasadya. Nagawa ko lang naman yun dahil lasing, hindi talaga promise." Patuloy ko.

"Are you sure that's all you remembered last night maliban sa pambubogbog mo sakin?"

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon