Chapter 29 Commercial

21 0 0
                                    


Melanie Pov...

"Okay na ba ang model? Nakaready na ba si Lyka?"

Napalingon ako sa boses ng bading na sumilip dito sa loob ng airconditon na tent na nagsilbing dressing room.

Kakatapos ko lang magpaayos ng hair and make up kay Tiffany. Marahil ay anu mang oras ay mag-uumpisa na ang shooting namin for commercial. Kaya nga siguro ay hinahanap na ko ng staff ni Direk.

"Ses (Sis) ibri-briefing namin muna namin si Lyka..."

"Melanie..." mariing kong sabi para i-correct ang pangalan ko.

Napahinto nga ang trainor kong si Tita Strawberry dahil sa ginawa kong pagtatama ng pangalan ko.

Oo may usapan nga kami ni Mr. Epal, na Razzo ang pangalan, na jowaer ko na ngayon na magpapanggap akong ex fiance niya. Ayoko pa ring tinatawag ako sa pangalang Lyka.

Kating kati na ko na ihayag sa madla na isa lamang akong impostor na matagal nang namayapa. Hindi naman sa nagmamalaki na ko at malaki ang pasasalamat ko sa fiance' ni Razzo. Dahil kung wala ang Lyka na iyon ay hindi ko matatamasa ang pagbabago sa buhay ko.

Kumikita na nga ako ng malaking pera sa pagmomodelo.

Dahil nga naman magkamukhang magkamukha kami ay ako na ang tumuloy ng mga trabahong naiwan niya na nakalagay sa kontrata.

Mabuti na nga lang at itong sila Trish, Ana at Tiffany ay tinatawag ako sa pangalan ko. Dahil sinabi ko sa kanila na tawagin ako sa pangalan ko at wala nang iba."

"I see. Pag tapos na kayo labas na lang kayo para hanapin si Direk." Bilin samin ng bading na staff.

"Okay Lyka ganito ang gagawin mo ha watch me." Utos sakin ni Tita Strawberry para gayahin ang gagawin niya.

"Melanie pangalan ko." Giit ko.

"Whatever." Sagot sakin ni Tita Strawberry na halos puti na lang ang nakita ko sa mga mata niya dahil tinaasan niya ko ng kilay.

"Basta ganito. Lalakad ka sa kalye bilang ka ng hanggang sampu pagkabilang mo ng sampu haharap ka sa camera. Ganito."

Naglalakad nga ang may katandaan nang baklang trainor ng mga modelo ay pagkabilang niya ng sampu ay umikot ito.

"Tapos swirl. Kailangan yun buhok mo hahampas ng ganito pero dahan-dahan lang para di matakpan ang mukha mo." Sabi niya matapos umikot.

"Pagkatapos mong umikot ganito naman gagawin mo. Makinig kang mabuti ha torso up." Nakita kong umangat ang dibdib ni Tita Strawberry.

"Butt out." Inusli naman niya ang puwet niya.

"And think murder." At sabay tumingin siya samin ng kakaiba ang dating.

"O ganoon ang project sa camera ha. Ganoon ang gagawin mo. Lalakad ka ng ganoon tapos iikot ka tapos maly lalapit na camera sayo. Iclo-close up ang mukha mo. Nagets mo ba." Masungit na sabi sakin ni Tita Strawberry.

"Ang hirap naman 'yang marder marder na yan. Puwede bang ngingiti na lang ako pagka ikot ko." Reklamo ko kay Tita Strawberry dahil wala talaga akong natandaan sa demo na ginawa niya.

"My gosh it's not marder it's murder (merder) babaeng 'to nakakaloka murder ang pronunciation hindi marder." Nakakalokang nakakairitang sabi ni Tita Strawberry.

"Parehas lang iyon magkaiba lang ng tunog. Iyong sayo sosyal, yun sakin pang kanto." Sagot ko naman.

"Nakakaloka may nalalaman ka pang ganyan. Trish pag may time kayo turuan niyo nga ng proper diction ang babaeng ito. Nakakaloka." Inis na sabi sakin ni Tita.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon