Chapter 15 Hidden Feelings

15 2 0
                                    

Melanie Pov...

       Nakita kong pumasok si Anna  para kumuha ng gamit sa kuwarto. Kailangan ko siyang tanungin kung bakit niya ako sinumbong kay Mr. Epal.

      Ibinuka ko pa ang pintuan para marinig nila Trish at Tiffany ang lahat ng pagtatalunan namin.

      "Bakit naman ganoon Anna? Ano bang ginawa ko sayo at kailangan mong sirain ako kay Mr. Epal?" Nanginigig pa ang boses ko at  pilit kong pinakakalma ang sarili ko.

       Ayaw kong sumabog ang galit ko dahil baka lumabas na masama.

        "Hindi kong intention na magsalita ng masama sa Lyka na 'yon. Ang sinasabi ko kung ako lang 'yon fiance' ni Mr. Epal hinding hindi ko siya iiwan sa araw ng kasal namin. Nung dumating ka  sinasabi ko lang na mali ang ginawa ng fiancee ni Mr. Epal. Nagmistula siyang engrata at walang kwentang tao na matapos mahalin siya ni Mr. Epal bigla na lang siyang aalis."

     
        Ilang segundo kong naghintay ng sagot kay Anna ngunit nakatingin lang siya sakin. Maya-maya ay bigla na lang siyang dumaan sa harapan na parang walang nangyari.

       Hinabol ko pa siya at nakarating kami sa sala. Naabutan kong naroon na din sila Trish at Tiffany na nakatingin saming dalawa ni Anna.

       "Kinakausap pa kita, ano ganoon na lang ba 'yon? Wala ka bang sasabihin diyan? Wala ka bang balak na humingi ng pasensya sakin  dahil sa kagagawan mo nagalit sakin si Mr. Epal."

        Hindi ko mapigilan na sumambulat ang galit ko dahil sa wala kong mahita kay Anna.

         "Ano magsalita ka!" Sigaw ko kay Anna.

        "Tama na iyan Melanie, mag-usap na lang kayo sa ibang araw." Awat sakin ni Trish.

        Matapos akong tingnan ni Anna ay basta na lamang siyang lumabas ng unit.

        "Kita niyo na? Talaga bang kaibigan niyo 'yan?" Baling ko kanila Trish at Tiffany na blangko ang mga tingin sakin.

        "Wait lang Melanie sundan ko lang si sisteret nakakaloka siya, sasabihin kong mali ang ginawa niya sayo." Paalam sakin ni Tiffany bago tuluyan sinundan sa labas ng unit si Anna.

        "Ano bang problema ng Anna na 'yon? Bakit niya ba ko sinisiraan kay Mr. Epal? At saka heto una pa lang napansin ko na hindi niya ko kinakausap at kung tingnan niya ako sobrang sama. Bakit ba ang sama niya sakin?" Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko na magsalabas ng sama ng loob kay Trish.

        "Maupo ka na muna." Sabi sakin ni Trish at pagkatapos ay hinawakan niya ako sa braso at balikat para maupo sa tabi niya, "Pagpasensyahan muna si Anna..."

       Nagpanting ang tainga ko nang marinig ko ang sinabi ni Trish na kailangan kong pagpasensyahan si Anna.

      "Bakit ako magpapasensya sa kanya hindi naman tama 'yon! Wala akong masamang ginagawa sa kanya." Apela ko.

 
      "Makinig ka muna ka sakin Melanie. Back in our college si Anna at Tiffany kasi unang nakakilala kay Lyka. She witnessed on how nag-umpisa ang love story nila ni Razzo at Lyka. Even the struggles na pinagdaanan nilang dalawa hanggang sa maging magboyfriend-girlfriend sila ni Razzo, alam na alam lahat 'yon ni Anna at Tiffany. Anna became die-hard fan also nang pasukin ni Lyka ang modeling. Since then naging magkakaibigan kaming lahat not only as friends  pa nga ang turingan namin  naging Mommy-mommy at Daddy namin si Lyka at Razzo that time." Panimulang kuwento ni Trish.

       Tumingin si Trish sa glass wall nitong unit sabay ngumiti ng pagkatamis-tamis.

     
       "Sino bang hindi kikiligin sa love story nila na parang classic fairy tale na naging modern film movie. They considered power couple sa Campus. Kilig na kilig kami noon everytime na makikita naming magkasama at naglalambingan silang dalawa. Who would have thought ang isang mayaman at famous hearthrob athlete ay mai-in love sa isang katulong. At hindi lang basta katulong, may pagka aning-aning noon si Lyka. But the beauty of Lyka inside and out really capture the heart of Sir Razzo and I can say it is a true love dahil si Lyka ang nagpatino kay Razzo. Noon kasi napaka maloko sa babae ni Razzo halos nangongolekta siya ng mga babae. Everyweek iba-iba nagiging nobya noon. Kaya napakalungkot na ganoon lang nag end ang magandang storya nila." Pagkasabi nun ni Trish ay kinuha niya ang phone niya sa bulsa at nagsimulang magkalikot sa phone niya.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon