Chapter 43 Ang Kabit

12 0 0
                                    

     
        Mabilis na ipinasok ng emergency room si Razzo. Naiwan akong umiiyak sa pasilyo. Nilapitan ako ng isang nars para hingan ng impormasyon. Pinafill up na rin niya sakin isang form.

       Napapatakan ko pa ng luha ang form habang sinusulatan ko.

        Iyak ako ng iyak habang naghihintay matapos ang operasyon. Hindi ko na alam kung gaano katagal ang nobyo ko sa loob ng operating room.

      
       Naalala ko kanina sa loob ng ambulansya na madaming ibinibilin si Razzo ng kung anu-ano. Tawagan ko daw si ganito para ipa news black out pangyayari. Para hindi maaepektuhan ang resort at magkaroon ng di magandang imahe sa seguridad nito sa mga guest.

       Sinabihan ko siya na kung maari ay inintindihin niya muna ang sarili niya bago ang resort.

        "Momshie nandito na kami."

         Napatingin ako sa dulo ng pasilyo. Nakita kong paparating sila Tiffany, Anna at Trisha. Kasunod nila si Ms. Montecalvo at isang guwapong lalaki at matangkad na kalbo.

        "Kamusta na si Sir Razzo." Tanong sakin ni Anna.

         "Nandoon pa siya sa loob. Hindi ko alam kung bakit ang tagal." Sagot ko habang humagulgol.

         "Lyka???" Sambit sakin ng lalaking kasama nila.

          "Ikaw nga..." tulala nitong sabi sakin habang titig na titig sakin.

          "Lee hindi siya si Lyka siya si Melanie." Saad ni Trisha habang pinupunasan niya ang mga luha ko sa mukha.

           "Tahan na Momshie. Hindi mapapano si Daddy Razzo." Sabi sakin ni Tiffany para mapahinahon ako.

          "Yeah let's pray for Mr. Thompson for his immediate recovery. He will be fine I swear." Saad ni Ms. Montecalvo samin.

         "Wear this."

         Inaabot sakin ng lalaking nagngangalang Lee ang hinubad niyang leather jacket.

   
           "Sino siya?" Tanong ko kanila Tiffany.

   
         "Hindi mo ba ko nakikilala." Tanong sakin nung Lee.

  
          "Papi hindi nga siya si Melanie. Huwag makulit." Sabi sa kanya ni Tiffany.

          "I don't get it paanong hindi siya si Lyka eh mukha pa lang siya talaga si Lyka." Giit niya.

          "Hindi nga siya si Lyka." Sabay-sabay na sabi ng tatlo.

          "The investigators are here." Wika ni Ms. Montecalvo dahilan para mapatingin kami sa dulo ng pasilyo.

          "Ako na bahala sa kanila." Sabi nung Lee.

  
          Ngunit bago niya kami ay hindi mapatid-patid ang patitig niya sakin habang sasalubungin ang mga pulis.

         Hindi ko na matandaan kung gaano katagal si Razzo sa loob. Patuloy pa rin ang pag iyak ko at takot ko sa maaring mangyari. Patuloy din pinapakalma ako nila Tiffany. Hawak pa ni Trisha ang mga kamay ko.

         Maya-maya ay may lumabas na emergency room.

         "Kayo po ba kaanak ng pasyente?" Tanong samin ng duktora.

          "Ako po girlfriend po niya." Sagot ko.

          "Medyo malalim yun balang bumaon sa biceps niya but he's okay now. Matagal nga lang gumaling ang sugat niya." Sabi ng Duktora.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon