Chapter 27 Ang Surpresa

23 0 0
                                    

Melanie Pov...

       Nakaharap ako sa salamin habang pinagmamasdan ko ang aking sarili   Katatapos lang nang ayusan ako ni Tiffany. Suot ko'y asul na dress na pinaggarbo ng telang lace.

      Tahimik kong sinusuklay ng aking mga daliri ang buhok kong nakalaylay sakin dibdib.  

       Tinatanong ko saking isipan  kung bakit hinayaan kong may mangyari samin ng amo ko.

       Sa tuwing pumipikit ako naaalala ko ang nagdaang gabi. Damang dama ko pa rin ang bawat paghaplos ng kanyang palad saking katawan. Hindi ko malilimutan ang bawat pag gapang ng kanyang labi saking kaibuturan.

        Parang walang katapusan ang pag-indayog niya sa ibabaw ko, ligaya at sakit ang hatid sakin. Hindi lang ito ang huli na may namagitan sa amin. Ito na pinakamalala.

       Pinagsaluhan namin ang init ng magdamag. Parehas kaming dumadaing sa kaligayahan naming nadarama. Hindi ako nakatulog magdamag hanggang magpasya akong bumalik na dito sa suite. Iniwanan ko siyang tulog na tulog.

     

       Bakit ko hinayaan na angkinin niya  ako?

        Ang isip ko tumututol pero ang puso ko nasasabik.

        Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko, ang planong gamitin ko lang siya para pagkaperahan, ngunit may kung ano parte ng pagkatao ko ang nag-uutos sakin na mahalin siya. Oo nahuhulog na loob ko sa kanya. Inaamin kong may nararamdaman ako para sa kanya.

       Hindi maari ito!!! Bakit ako mismo ang nahuhulog sa patibong na ginagawa ko.

        Mahal ko na si Razzo. Mahal na mahal.

        Pero bakit may pag aalinlangan akong nadarama. Bakit hindi ako mapalagay sa tuwing naiisip ko na magkatuluyan kaming dalawa.

        "Mommy nakakita na ko ng hair pin."

        Natigilan ako sa pag-iisip nang makita ko mula sa repleksyon ng salamin na pumasok ang taga-ayos kong si Tiffany.

        "Magugustuhan mo itong hair pin na ilalagay ko sayo. Ang lakas maka-gurl." Sabi ni Tiffany sakin habang pinapakita niya ang hair pin na tadtad ng swarovski crystal.

   
        Kaagad na inilagay ni Tiffany saking buhok ang hair pin sa bandang itaas ng tainga ko.

       "Mommy ano itong nakakapa ko sa ulo mo. Peklat ba yan. Alam mo Mommy ilang beses ko nang itinatanong sa'yo 'to di mo ko sinasagot."  Tanong sakin ni Tiffany matapos kapain ang peklat sa anit ko.

       "Sa totoo lang hindi ko alam eh. Sabi sakin ni Inang nadisgrasya daw ako ng bata pa ko. Matagal na daw iyon pero wala akong natatandaan nung bata pa ko." Sagot ko.

        "Ay ganoon ba Mommy. Buti na lang    dito sa anit mo at natatakpan ng buhok mo. Kung sa ever-so-beautiful face mo nagkaroon ka ng peklat ay naku ligwak ka na sa mga rampahan." Sabi ni Tiffany habang sinisipat niya ang suot ko.

      "There you go Mommy looking perfect ka na sa ayos mo. Mai-in love na naman sa'yo ng todo si Papi Razzo." Masayang sabi ni Tiffany. May pakurap- kurap pa ng mga mata nito habang napapakagat labi.

       "Sira ka talaga ka talaga bakla. Walang ganoon." Pagtatanggi ko.

        "Weh di nga??? Doon tayo sa totoo Mommy, ano na ba relationship status niyong dalawa ha? Ang tagal-tagal niyo nang nagkakasama so ano na ba?"

     
        Halata sa itsura ni baklang Tiffany na curious na curious siya saming dalawa ni Razzo.

         Inabot niya ang kamay ko para alalayan akong tumayo.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon