𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟎𝟕

96 65 0
                                    

I woke up to the sunlight hitting my window. Sandali akong napatitig sa kisame at naisipang maupo. Ang sakit ng katawan ko ha, hangover ba 'to. Sana sila Heiden rin.

Nag punta agad ako sa bathroom para ibabad ang sarili. Hapon na, akala ko maaga ako magigisng dahil narito ang dalawa hindi pala.

"So good afternoon baby." Sabi ko sa sarili at pinagmasdan ang gwapong mukha sa salamin na kaharap ko ngayon.

Matagal na akong tumigil sa kakagirlfriend, since nag hiwalay kami ng last ex ko hindi na ako sumubok pa. Lahat na ata ng babae ay puro pera ang habol. Ayan ang sa tingin ko, kung may bagong darating na hindi gano'n ang pag uugali. Bakit papakawalan kopa.

"Good morning!" Masiglang sigaw ni Andrew. sa guest room sila natulog ni Heiden. "Hapon na inutil!" Sigaw ko rin dito at sabay kaming bumaba.

Akala ko ay natutulog pa rin si Heiden pero nag kakamali pala ako. Dahil nandito na siya sa at sa mismong lamesa pa nakasalampak. Sinenyasan niya ang mga yaya rito na dalian ang pagdala ng pagkain.

"Good afternoon." Pag tatama ni Andrew.

Sa kilos ni Heiden na 'to ay parang siya ang may ari ng bahay at parang kami pa ang makikikain sa kaniya. Nahiya tuloy ako.

"Anong lunch natin d'yan Boss?" Kinuha niya ang bowl na kakalapag lang sa mesa at binuksan ito. Gamit ang sandok ay kumuha siya rito. "Seafood Men." Dinilaan niya ang labi na tila takam na takam.

Magkatabi sila ni Andrew at ako ay nasa harapan nila. Nang mailagay na ang mga plato ay sila na ang kumuha ng sariling pagkain. Sinenyasan kona lang umalis ang mga ibang narito.

"Aunt Lacey called me earlier, she said she knew you were here and..." Pareho naming hinintay ang susunod na sasabihin nitong kumag na Heiden na 'to dail sinimulan niyang sumubo. "She would wait for you."

"Don't worry, I'll come home later." Sagot ni Andrew bago simulang kumain. Halata pa rin sa mukha niya na hindi pa rin nakakalimutan ang mga nangyari.

"You need to talk to her, walang kalalagyan ang galit mo kung iiwas ka ng iiwas sakaniya sa mababaw na dahilan." Tumango tango si Heiden habang patuloy sa pagkain.

Hindi ba kami kumain ng rice kagabi? Bakit parang ako pakiramdam ko gutom na gutom rin ako.

"She also worried about you." Singit ni Heiden.

"I will apologize to her later. Tch ang bilis kasi uminit ng ulo kapag si Tita Ryzalyn ang usapan." Tatawa tawang kinuha ang mga gulay na hiniwalay ni Heiden sa kaniyang plato.

Andrew has the healthiest body of us. Kahit na palaging umaalis ang mama niya ay hindi nito pinapabayaan ang kalusugan ni Andrew. Nakasanayan na niya ang kumain ng mga Nutritious food. At bukod nga ro'n, ang Daddy niya ay isang tanyag na doctor kaya maalaga silang lahat sa sarili.

"Huwag ka ng manibago, gano'n talaga kapag enemy Hahahaha!" Bahagya siyang siniko ni Andrew. "Gago pre, dinadagdagan mo lang mga iniisip ko."

"Chics ang nag hatid sa'tin kagabi, alam niyo ba?" Nag tinginan silang dalawa tyaka biglang natawa?

"Inutil panggap ka?" Pangunguna ni Andrew. "Chics kana pala ha?!" Kunyaring nandidiri ang sagot ni Heiden.

"Iniisip niyo bang ako ang naghatid sainyo dito?" Sinabayan ko sila sa pagtawa dahilan para mag ingay kami dito. "Hindi ako, si V---"

"Sir Clark may tumatawag po." Naputol ang tawanan namin at lahat kai ay napatingin sa gawi ni Ellen. Isa sa mga katulong dito.

Inabot niya sa'kin ang telepono at tinignan ko kung ano ang numero.

She's My Number One. [ᴏɴ ɢᴏɪɴɢ!!]Where stories live. Discover now