𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟑𝟎 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐒𝐇𝐀 𝐅𝐋𝐀𝐕𝐈𝐀𝐍𝐎

60 41 3
                                    

༒︎

Ilang beses at unti-unting palakas ang boses na naririnig ko sa isipan ko! Nagiging dalawa pa ang boses na ito pero nasisiguro akong hindi na si Tita Lyn ang isang bumubulong!

NATASHA...

"Andrew??!" Napagtaasan niya na ako ng boses.

Bullshit this girl!

"T-Tita.." Hindi nabago ang mataray niyang mukha, nag hihintay pa rin siya ng maisasagot ko. "Hindi ba sabi ko GUSTO KO yung KATULAD MO..? Sinabi mong kung nandito lang ang Anak mo---Kaya akala ko Babae siya, dahil katulad mo?" Ilang segundo niya pa akong tinitigan bago kumawala ng buntong hininga.

Maging ako ay nag pakawala nito dahil sa kaba.

Anong klaseng kagaguhan ang araw na ito??

Panaginip lang ba ang lahat ng 'to?

"Heiden.. Call me!

Tawagan mona ako..

Para makabangon na ako sa bangungot na 'to!"

Mukhang nakumbinsi ko siya. Napasadal ako at marahang inikot ang paningin sa paligid. Sobrang linaw, ang mga ulap sa kalangitan ay malinaw kong napapanood kung paano gumalaw. Ang bawat tunog sa paligid.. Dinig na dinig ko!

Sana ay isang bangungot lang 'to!

Binalik ko ang tingin sakaniya, nasa mukha niya na ang maamong mukha at mga tingin. Ayan ang tunay na SIYA.

"What's her Name Mom? And I want to see her. Never mopa ata siyang napakilala sa'kin? Dahil wala akong matandaan.." 

"Kuya oh.." Inabot ko ang Cookies na inaabot ni Celestine. "Kumain ka ng kumain baka maubusan kita hehe." Ngumiti lang ako at hindi siya tinignan. Simula kaninang nakapatong ang baba niya sa lamesa ay nangingitim na ang mga mata niya. Akala ko ay guni-guni ko lang pero.. Now her eyes are full of black.

Maamo siya kung ngumiti ngunit iba ang tindig ng mga mata niya, kahit pa na siya'y nakangiti ay isang demonyita ang nakikita ko---"Her name is Ayesha."

Dahil sa pag kagulat ko.. my thinking and breathing seemed to stop?? Mabilis ko siyang nilingon---Heto na naman! Isang bulong mula sa blangkong isipan ko.

Natasha..

Nasisiraan naba ako ng ulo??

Kung Ayesha ang pangalan ng Anak niya.. Sino ang Natasha na sumagi sa panaginip ko?? Sino ang Natasha na binubulong niya sa isipan ko...

Siya nga ba ang bumubulong? 

"Kung alam ko lang kung nasaan siya naroroon.. Ipapakilala ko siya sa'yo." Kunot noo kong binaling sakaniya ang paningin ko. Anong ibig niyang sabihin? "Nasaan si Ayesha?" Napatikhim ako, pamilyar na sa'kin ang pakiramdam na ito. Ito ang pakiramdam na nay kumokontrol sa pananalita't kilos ko. 

Ito ang pakiramdam ko nung nasa.. 

Flaviano's Hacienda kami.. 

"Bakit hindi mo alam kung nasaan siya?" Ito na naman.. Natasha..? Gusto mo bang pag-usapan namin ito? Tinignan niya si Celestine. Bumaba ang tingin ko sa lamesa. "Bye po.. Kuya." Tumayo siya.. Ngunit pinanood ko ang lakad ng paa niya, inikutan niya ag mesa at.. Nag punta sa likod ni Tita Lyn? Akala ko ay sandali lang siya.. But she stayed there, standing and glancing at me. Dito kona siya tinignan. Muntik ko ng dalhin ang daliri ko sa noo para mapadasal! Pero tila nakatali ako dahil nakapirmi lang ang mga kamay kong ayaw gumalaw. Si Celestine.. Walang matang kumakaway sa'kin!

She's My Number One. [ᴏɴ ɢᴏɪɴɢ!!]Where stories live. Discover now