𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟑𝟑 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐒𝐇𝐀 𝐅𝐋𝐀𝐕𝐈𝐀𝐍𝐎

56 38 0
                                    

༒︎

Unang kwarto, puno ng aklatan na muntikan ko nang isipin na isang library. Hindi na ako dapat pang magtaka kung mayroong ganitong kwarto si Tita, sagana sa pera ang bahay na ito. Sinira kong muli ang pinto dahil wala namang tao sa mga sofa na naroon, bukod do'n, tahimik.

Pangalawang kwarto, isang langitngit, sa dulong kwarto! Hindi ako tuluyang pumasok sa kwartong ito at agad na pinuntahan ang pinakadulong kwarto. May buwan sa pinto nito, isang sticker na kulay ginto at silver.

Hindi ako nag alangan pumasok.

Tumama agad ang paningin ko sa babaeng nakatalikod sa'kin. Nakaharap ito sa malaking bintana habang pinagmamasdan ang malaking pad ng paper, may stand pa ito.

Celestine..

Nakabestida na siya at nakalugay ang buhok, mahaba pala ang kaniyang buhok, hindi ko napansin. Ang liwanag ng kwarto niya kaya maganda kung titignan, pero kapag nasa kaniya na ang antensyon ko hindi ko alam kung bakit ibang tao nakikita ko sakaniya.
Ibang bata, hindi si Celestine.

"Hey--Celestine.." Bawat hakbang ang gagawin kong pag lapit sakaniya ay pinagsisisihan ko, nadadala na rin ako ng takot dahil para sa'kin ay ang bigat ng yabag ko at nag uulit-ulit 'yon sa pandinig ko na parang may nakasunod sa'kin. 

Huminto ako sa gilid niya. "Sorry Celestine." Sinilip ko ang mukha niya, siya si Celestine.. Celestine na matampuhin. "Ayokong humaba ang oras nang pag tatampo mo sa'kin, kakakilala lang natin.." 

Hindi man lang siya tumugon, nanatili ang paningin niya sa malaking papel na may madilim na kulay. Maging ang pag kurap ay hindi na niya ginawa.

"If you're mad at me, hindi okay. Makikipagbati na'ko, uunawain na kita. Sorry na Celestine." Hindi tumalab, walang ngiti, nag paikot-ikot ang kaniyang mata sa harap.

Pinagtuunan kona ito ng pansin. Isang.. Isang magandang bata. Hindi si Celestine ang naka-drawing rito. Napangiti pa ako nang makita kung gaano kaganda ang ayos ng kulay ng mata non, maging ang tangos ng ilong! Ngunit mabilis itong napawi at napakitan ng pait.

Hindi dahil sa pangit, kundi dahil sa lugar. Sa lugar kung nasaan ang lawa at ang mga makukulay na puno't bulaklak. Nakaharap 'to at kitang kita sa labi ang saya. May hawak na hose at sa isang kamay ay may Sunflower. Mayroong pulang laso sa palibot ng ulo nito at ang suot niyang bestida ay katulad nang suot ni Celestine ngayon.

Natasha. 

"Kahit gawin kong pangit ang Drawing ko, sadya na siyang maganda." Ngayon ko nalang ulit siya nakitaan ng ngiti. "She smiles as if you thought there was no problem. Hindi na matancha ang bigat ng hinanakit niya pero hindi siya basta basta sumusuko." Ang lambot ng kaniyang tinig, bahagya niyang inangat ang kanang kamay na nanginginig. Hinawakan niya ang sariling Drawing. "Hindi pantay kung mag mahal, ngunit hindi pinaparamdam ang sakit na kaniyang nararamdaman. Marunong tumupad sa pangako, dahil mayroon siyang isang salita. Siya ang batang unang minahal ni Mama, siya ang bunso. Siya si Natasha Flaviano, at sigurado akong babalik siya." 

Nilingon niya ako at dito ko nakita ang masigla niyang ngiti, sinasabayan ang nakakakilabot na pag kidlat sa labas dahil sa bagyo. Marahan akong sumilip dito para sipatin ng tingin ang sobrang itim na ulap, parang may malaking panganib. Nang mag balik paningin ako kay Celestine ay doon na nag si-taasan ang mga balahibo ko at hindi kona maigalaw ang paa ko para makatakbo. Pamilyar 'to!

Her eyes, are black. Her presence, is fvck.

She's Natasha!

"Isa ka sa mga panganib na paparating."

She's My Number One. [ᴏɴ ɢᴏɪɴɢ!!]Where stories live. Discover now