𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟎𝟖

103 65 0
                                    

Venus Monteverde Pov.

"If you don't want to, it's okay."

Hindi ko siya sinagot at umikot sa sasakyan niya, hindi ko parin magawang mapanatag ang kalooban ko. Napupuno na ako sa galit. 

Kapansin pansin ang pag dududa niya kanina kaya pinilit kong maging normal sa harapan niya. Sana nga ay madali lang mapaikot ang ulo ng mga Arcilla para hindi sumagabal sa plano. 

Nang tumalikod siya sa'kin para isara ang pinto sakaniya ay muling sumama ang paningin ko dito. Kung wala lang akong kailangan malaman sa'yo, hindi ako sasama sa'yo bastardo. 

"Avreeza Mall lang ang punta ko, sasama kapa?" Kunyari akong ngumiti dito habang pinaglalaruan ang mga daliri kong nasa hita.

"Gusto ko lang bumawi, sobra ang nangyari kaya hayaan mona ako." Kulang na lang ay mag makaawa na ang tinig niya. Psh. "Ano bang gagawin mo ro'n?"

Ilang beses niyang binuksan ang makina dahil tila hindi na 'to gumagana. Nasira koba ang sasakyan mo Kairos Andrew? Pasensya kana, mapera naman kayong lahat. Kaya mong bumili kahit ilan. 

"Ano bang ginagawa sa Mall?" Pamimilosopo ko dito na kunyari pa siyang tinawanan.

Sa pag uulit niyang pag bukas ng makina ay gumana ito, sayang naman hindi pa nasira ng dahil sa'kin.

"So anong bibilin mo do'n?" Hinintay niyang walang dumadaan bago isngit ang sasakyan. Ano nga bang bibilin ko do'n?? Bakit kasi Avreeza mall ang una kong nasabi, ganon na ba ako katanga? Aish. 

"Groceries."

"Kaya pala hindi kana nag abala pa mag bihis, dahil malapit lang ang pupuntahan mo." Pareho naming tinignan ang Mall na konti na lang ay malapit na kami.

Why so stupid?

"Saan kapa pupunta?" Tanong ko sakaniya dahil imbis na iparada niya sa harap ay dumeretso pa ito. "Mag hahanap ng ma---"

"Ibalik mo, iparada mo sa harap." Taka niya akong tinignan at sinunod naman ang sinabi ko. "Hindi naman siguro tayo mapapansin dito, 'no?"

"Walang papansin sa kotse mo dito." Matapos ipark ay bumaba agad ako, dahil aalalayan noya pa sana ako, ginawa pa akong inutil ng lalaking 'to.

Hinintay ko siyang makalabas para sabay na kaming pumasok, hindi ko maiwasang pasimpleng tumingin sa palagid. Iba na ang araw na ito.

"Let's go." Hindi na ako nakaiwas ng hawakan niya ang bewang ko at sinabay sa paglakad niya. Ganito ba siya kalandi? Parang walang dinadalang problema ang gago.  

"Good afternoon Miss Venus." Ilang nag babantay ang mga yumuko sa'kin, ganitong eksena ang pinaka ayaw ko kapag baguhan ang kasama ko.

Nang makita nila ang kamay ni Andrew sa bewang ko ay muli silang yumuko ng marahan at binati ito. "Good afternoon Sir."  

Akmang sasagot si Andrew ng lumakad ako, nawala na ang kamay niya sa'kin. "Halika na, sayang ang oras." Aligaga siyang sumunod sa'kin at hindi na nabati ang mga guard.

"Ang sungit mo naman sakanila, mabuti kilala ka nila? SIguro madalas ka ng napupunta dito..." Wala akong sinagot sakaniya kung hindi pag tawa. 

Nakahiligan ko na talagang mameke ng tawa lalo na kapag Newbie Enemy ang kasama.

Hindi na niya dinugtungan pa ang sasabihin dahil pinahalata ko sakaniyang abala ako sa pag tingin ng mga outlet na madadaanan namin, hindi pa kami nakakalayo sa Entrance ay may mga bulungan na sa paligid.

She's My Number One. [ᴏɴ ɢᴏɪɴɢ!!]Where stories live. Discover now